Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Anak na bunso, 2 apo ni Digong nabakunahan ng Dengvaxia
Anak na bunso, 2 apo ni Digong nabakunahan ng Dengvaxia

Anak na bunso, 2 apo ni Digong nabakunahan ng Dengvaxia

NATURUKAN din ng Dengvaxia ang anak na bunso at dalawang apo ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te.

Sinabi kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Chris­topher “Bong” Go, ang presidential daughter na si Veronica “Kitty” Du­terte at dalawang anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay nabakunahan ng Deng­vaxia, ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine.

READ MORE:  Family Mart franchisee, driver patay sa riding trio

“May nagtanong kanina kung na-inject raw ba si Kitty at ‘yung dala­wang anak ni Paolo, kinonfirm naman po ng mga nanay nila na positive po na-inject po sila,” ani Go sa ambush interview matapos ang programa ng ika-120 anibersaryo ng Philippine Navy sa Coconut Palace, Pasay City.

Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Go kaugnay sa isyu.

READ MORE:  Landmark buildings itinayo ng Hilmarc’s

Kahapon ng umaga ay magkasama sina Go at partner ni Pangulong Duterte na si Cielito “Honeylet” Avancena sa pagpasinaya sa New Eastern Visayas Medical Center sa Phase 1 Project, Brgy. Bagacay, Tacloban City.

Sa naturang oka­syon ay may nagta­nong kay Go kung na­baku­nahan ng Dengva­xia ang anak at mga apo ng Pangulo.

READ MORE:  CCM extension sa 6 distrito gagawin ni Lim (Estudyante hindi na magkokomyut)

Ang Dengvaxia ay dating mabibili sa komer­siyal na merkado sa ban­sa at inirerekomenda ng ilang pribadong pedia­trician sa kanilang pasyente.  Ngunit inalis ito ng Sanofi Pasteur sa Filipinas noong Disyember 2017 nang pumutok ang isyung ‘nakompromiso’ ang kalusugan ng mga batang estudyante mula sa pampublikong paara­lan nang masaksakan nito.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved