Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Willie at Castelo, magtutulong para sa pabahay sa Payatas
Willie at Castelo, magtutulong para sa pabahay sa Payatas

Willie at Castelo, magtutulong para sa pabahay sa Payatas

BULONG-BULUNGAN na ang posibleng pagtakbong mayor ni Willie Revillame sa Quezon City. Bagamat may balita ring posibleng tumakbo itong Senador dahil kinausap na raw ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung tatakbong mayor si Willie, posible niyang makalaban sina VM Joy Belmonte at Cong. Bingbong Crisologo.

Pero bago ito, kamakailan naglibot sina Revillame at Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo gamit ang helicopter ng host/actor sa Payatas para maghanap ng lupa.

Ang lupang hinahanap ay gagawing pabahay para sa mga mahihirap.

Sakop ng distrito ni Castelo ang Payatas at doon gusto ni Revillame na isagawa ang housing project niya.

Matapos ito, lumipad naman ang dalawa patungong Tagaytay na ipinasyal ni Revillame si Castelo sa ginagawang bahay ng showbiz star.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved