Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / SPEEd, Globe may pa-film showing sa FDCP seminar-workshop
SPEEd, Globe may pa-film showing sa FDCP seminar-workshop

SPEEd, Globe may pa-film showing sa FDCP seminar-workshop

MAGKAKAROON ng special screening para sa dalawang nominadong Best Film sa dalawang araw na workshop ng Film Development Council of the Philippines bilang bahagi ng inaabangang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Mapapanood ang Birdshot ng TBA Production sa * May 26, 6:00 p.m., , Deadma Walking ng T-Rex Enter­tainment sa * May 27, 6:00 p.m., sa Cinematheque Center Manila ng FDCP. Ang libreng film showing ay bahagi ng #playitright anti-piracy campaign ng Globe., , , ,

Ipalalabas ang dalawang nominadong pelikula pagkatapos ng seminar-workshop ng FDCP para sa mga film enthusiast.

Sa seminar-workshop sa * May 26 (9:00 a.m.-12 noon, ), tatalakayin ang aspeto ng Musical Score kasama si Teresa Barrozo at Sound Design (* 2- 5:00 p.m., ) kasama si Immanuel Verona. Sa * May 27, (9:00 a.m.-12 noon, ), magkakaroon ng workshop sa Acting kasama si Anthony Falcon at Cinematography (* 2-5:00 p.m., ), sa pamamahala ni Rain Yamson II., , , , , , , ,†

Samantala, bago ang The EDDYS, idaraos ang Nominees Night sa * June 3, 5:00 p.m., , sa 38 Valencia Events Place, Quezon City. Makatutuwang pa rin dito ng SPEEd ang FDCP, na ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ni Chairman Liza Diño ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado., ,

Ang awards night para sa 2nd EDDYS ay magaganap naman sa Hulyo, sa pakikipagtulungan nina Chairman Diño at Globe Senior Vice-President Yoly Crisanto.

Pagkatapos ng awards night, magkakaroon ng bonggang after-party na tatawaging The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd na ididirehe ni Paolo Valenciano na inaasahang mas magiging malaki at mas exciting sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula noong 2017.

Ang Globe Studios ang major presenter habang ang fastest-growing FM station na Wish 107.5 naman ang hahawak sa production ng 2nd EDDYS.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved