Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Riding in tandem nagkalat sa AoR ng MPD PS4! (Attn: NCRPO RD Camilo Cascolan)
Riding in tandem nagkalat sa AoR ng MPD PS4! (Attn: NCRPO RD Camilo Cascolan)

Riding in tandem nagkalat sa AoR ng MPD PS4! (Attn: NCRPO RD Camilo Cascolan)

Nag-VIRAL sa social media kamakailan ang pambibiktima ng notoryus na mga tirador na lulan ng motorsiklo na nagpaikot-ikot sa paligid ng isang malaking unibersidad sa Dapitan St., Sampaloc, Maynila na nasasakupan ng MPD Station 4.

Kitang-kita sa CCTV ang ginawang pam­bibiktima ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo nang hablutin ang gamit ng isang tila estudyanteng biktima na nag-aabang ng masa­sakyan sa naturang lugar.

READ MORE:  PNP-Crame revamp sa Maynila, sampal daw kay MPD DD Rolly Nana!?

Ang matindi pa ay nahagip rin sa CCTV na hindi lamang isang riding-in-tandem ang tirador kundi pati ang back-up nitong dalawang suspek sa pangalawang motor.

Lumalabas na hindi lamang isang riding-in-tandem ngayon ang bumibira sa AOR ng SAMPALOC POLICE STATION 4 kundi marami pa?!

Wattafak!?

Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga riding-in-tandem na magwalanghiya sa AOR ng MPD PS-4!?

READ MORE:  Huwag ninyong bulokin ang Kalibo Int’l Airport! (Attention: CAAP)

Ano ba ang ginagawa ng mga matutulis ‘este mga pulis ni MPD Station 4 commander Supt. Olivar na tila natutulog lang sa pansitan na pinaiikutan ng mga riding-in-tandem sa kanilang teritoryo!?

MPD district director C/Supt. Jigs Coronel sir, Kailan pa po ba napuwesto sa MPD PS4 si Supt. Aquino Olivar?

Baka kasi wala nang challenge sa kanila ang AOR ng Sampaloc kaya’t tila tulog na mantika na sila sa kanilang tanggahan ‘este tanggapan, sir?

READ MORE:  ‘Sugal-lupa’ lang pero mansion ang ipinatatayo sa anak ni Donya Teysi

Mukhang ang bagman lang ng ‘kuwatro’ ang masaya riyan mga bossing!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved