Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / DOTr asec sinibak ni Digong
DOTr asec sinibak ni Digong

DOTr asec sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Depart­ment of Trans­portation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap sa presidential sister kaugnay ng Mindanao railway project.

Sa press briefing , sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pakikipag-usap sa isang malapit na kamag-anak ni Pangulong Duter­te ang naging dahilan ng pagsibak kay Tolentino.

Ani Roque, ang paki­kipag-usap sa sinomang kamag-anak ng Pangulo na may kinalaman sa appointment o anomang proyekto ng gobyerno ay maaari nang gawing basehan para alisin sa posisyon ang sinomang opisyal ng pamahalaan.

Noong 28 Setyembre 2017, naitalaga si To­lentino sa DOTR  bilang kapalit ng nagbitiw na si dating spokesperson Cherrie Mercado bilang head ng communication office ng ahensiya.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved