Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, ‘di sinagot, pagkandidato bilang senador 
Dingdong, ‘di sinagot, pagkandidato bilang senador 

Dingdong, ‘di sinagot, pagkandidato bilang senador 

‘GAGUHAN at dayaan’ kung ilarawan ni Direk Irene Villamor ang kuwento ng pelikula niyang Sid & Aya na pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Kaya natanong ang dalawang bida kung nasubukan na nilang ma-gago sa isang relasyon noong pareho pa silang walang asawa.

“Kinalimutan ko na ang lahat ng mga gaguhan na nangyari. Nasa happy place na ako,” nakangiting sabi ng aktres.

READ MORE:  Chemistry nina Bimby at Ryzza Mae, kakaiba

Ayon naman kay Dingdong, “wala naman, wala namang nanloko sa akin.”

Hirit pa ni Anne, “Honestly, I think part naman ‘yun (dayaan) ng journey ng falling in love. Darating ang point talaga na kailangan mong masaktan at babangon ka rin ulit.”

Katwiran naman ni Dong, “Siyempre, para ma-appreciate mo naman kung ano ‘yung masarap, masaya, kinakailangan ma-experience mo rin ‘yung hindi okay, ‘di ba? Hindi lang naman sa relationship kundi sa lahat ng bagay, para mas matamis ‘yung pag-appreciate mo sa kung anong mayroon ka ngayon.

“Siguro ‘yun ang naging challenging para sa akin dahil maraming aspeto sa pelikula na hindi ko pa nararanasan. Kaya isa ito sa pinakamahirap na ginampanan ko.”

READ MORE:  Pokwang kompirmadong buntis pahinga raw muna sa trabaho

Samantala, hindi sinagot ng aktor kung tuloy ang pagkandidato niya sa pagka-Senador sa susunod na taon pagkatapos ng presscon ng pelikula.

READ MORE:  Honesto, nangunguna pa rin sa primetime!

Mapapanood ang Sid & Aya sa Mayo 30 mula sa Viva Films at N2 Productions.

Samahan sila sa kanilang movie tour sa Mayo 26 (Sat), 4:00 p.m. at Gateway Cineplex, 6:00 p.m. at Ayala Malls Feliz; May 27 (Sun) 4:00 p.m. at SM City Bicutan, 6:00 p.m. at SM City Sta. Rosa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved