Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P3.5-M shabu nasabat sa Cebu
P3.5-M shabu nasabat sa Cebu

P3.5-M shabu nasabat sa Cebu

CEBU CITY– Umaabot sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat sa iki­nasang buy-bust ope­ration sa Brgy. La­bangon sa lungsod na ito, nitong Sabado ng gabi.

Nakompiska sa ope­rasyon ang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na 300 grams ang timbang, ayon kay Supt. Glenn Mayam ng Philip­pine National Police Drug Enforcement Group.

READ MORE:  Bolante absuwelto sa plunder (Sa P723-M fertilizer fund scam)

Habang nakatakas ang target ng operasyon na kinilalang si Aljun Chavez, umano’y mi­yembro ng isang mala­king sindikato sa Central Visayas.

READ MORE:  Take home pay ng obrero dagdagan — Chiz (Tunay na minimum wage ipatupad)

Samantala, sa lung­sod ng Mandaue, nasabat sa isang checkpoint nitong Sabado ng gabi ang mga tuyong dahon ng mai­juana at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Arestado sa ope­ra­syon ang 11 suspek na nagmula sa lungsod ng Cebu at Talisay.

READ MORE:  Kaso vs Gen. Loot lalakas dahil kay Kerwin — PNP

Ayon kay Chief Insp. Aldrin Villacampa, da­dal­hin sa Leyte ang mga nasabat na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved