Tuesday , July 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-ama sugatan sa atake ng buwaya (Sa Palawan)
Mag-ama sugatan sa atake ng buwaya (Sa Palawan)

Mag-ama sugatan sa atake ng buwaya (Sa Palawan)

KAPWA sugatan ang mag-ama makaraan ata­kehin ng buwaya sa Bala­bac, Palawan, nitong Sa­ba­do ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, inaayos ni Karik Buara, 15-anyos, ang kanilang bangka malapit sa dalampasigan ng Brgy. Salang nang sagpangin siya ng isang malaking buwaya.

Narinig ng ina ni Karik ang pagsigaw niya ng saklolo kaya agad tinungo ang ama ng binatilyo na si Rosmin para iligtas ang biktima.

Lumangoy si Rosmin patungo sa buwaya at sinaksak ito sa mata kaya nabitiwan nito si Karik.

Ngunit nasugatan din si Rosmin dahil sa pag-atake ng buwaya habang sinasaklolohan ang anak.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top