Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 61-anyos doktor nagbaril sa ulo
61-anyos doktor nagbaril sa ulo

61-anyos doktor nagbaril sa ulo

PATAY ang 61-anyos doktor makaraan uma­nong magbaril sa ulo sa loob ng kanyang opisina sa Antipolo City, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista, kinilala ang biktimang si Dr. Rodolfo Rabanal y Cabanilla, nakatira sa Blk. 26, Lot 21, Sam­paguita St., Valley Golf, Brgy. Mambugan sa lungsod.

Ayon sa pahayag ni Rosie Sabandal, kasam­bahay ng biktima, dakong 8:15 am nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa opisina ng doktor kaya agad niyang sinilip.

Aniya, nagulantang siya nang makitang du­guang nakabulagta ang doktor sa isang sofa bed at may tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa ulo.

Masusing iniimbes­tigahan ng mga awto­ridad ang insidente u­pang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved