Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 tulak tiklo sa P125K droga
3 tulak tiklo sa P125K droga

3 tulak tiklo sa P125K droga

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraan magbenta ng shabu sa mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Rey Lus­terio, 37, Felix Tagumpay, 36, at Jayvee Dela Cruz, 23-anyos, pawang naha­harap sa kasong pagla­bag sa RA 9165 o Com­pre­hensive Dangerous Drug Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Fire­arms and Ammunition Regulation Act, sa piskal­ya ng Caloocan City.

Batay sa ulat ni PO2 Jerome Pascual, dakong 9:30 am nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DDEU sa pangunguna ni Chief Insp. Arnold Ala­bas­tro, laban sa mga suspek sa Sugpo Alley, Brgy. 8.

Agad inaresto ang mga suspek makaraan iabot ang isang plastic sachet ng shabu sa poseur-buyer na si PO3 Marlon Mito kapalit ng P1,000 marked money.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang isang .45 kalibreng Armscor, 12 gauge shotgun, at mga bala.

Kompiskado rin ang 20 gramo ng shabu, at 250 gramo ng mari­juana, tinatayang P125,­000 ang market value, at P1,000 buy-bust money.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved