Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon inilahad, ang pagiging ‘di nila close ni KC     
Sharon inilahad, ang pagiging ‘di nila close ni KC     

Sharon inilahad, ang pagiging ‘di nila close ni KC     

NGAYON inaamin na ni Sharon Cuneta na talagang nawala iyong closeness nila ng kanyang panganay na anak na si KC, at sinasabi niyang ang pagiging malapit nilang dalawa ay hindi kagaya ng tatlo niyang mas maliliit na anak.

READ MORE:  Mother Lily Monteverde matindi ang bilib kay Carla Abellana (Sana hwag naman mag-flop ang mga pelikula!)

Hindi dapat pagtakhan iyan, kasi noong panahon na lumalaki si KC, iyon din ang panahon ng kasagsagan ng kanyang career, at kabi-kabila ang kanyang mga ginagawang mga pelikula at concerts. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit mas naging close rin si KC sa kanyang lola, si Mommy Elaine.

READ MORE:  Pre-programming ng EB, para talaga sa TROPS

Noon namang magkaroon siya ng anak kay Kiko Pangilinan, hindi na siya ganoon kaaktibo sa kanyang career. Natural mas may panahon siyang makasama ang kanyang mga anak, at mas magiging close sa kanya ang mga iyon. Hindi na siya ganoon kaaktibo sa kanyang career hanggang ngayon, kaya mas may panahon na siya para sa kanila. Walang ganoon noong maliit pa si KC.

READ MORE:  Mari Jasmine ni Sam, isang Japanese-Australian at host sa Etcetera

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved