Friday , April 19 2024

Nadine, binuweltahan ang mga fake fan

BINA-BASH sina Nadine Lustre at James Reid ng mismong mga tagahanga nila. Kaya naman sa kanyang Instagram story, tinawag ni Nadine ang mga ito na fake fans at walang room sa social media accounts nila ni James.
Sabi ni Nadine, ”To all the confused/Hot and Cold/fake fans, here’s the door. We don’t need youg bs here.”
Gayunman, nag-shout out si Nadine para sa solid fans nila ni James, na laging nariyan para sa kanila, through thick and thin.
“To all of our real supporters, we appreciate you all. Thank you for showing nothing but love and positivity, not only to this fandom, but the others as well.”
Ano kaya ang masasabi ng ilang mga tagahanga nina James at Nadine na tinawag ng huli na fake fans?
Pero hindi lang naman sina Nadine at James ang nakatatanggap ng pamba-bash mula sa kanilang sariling mga tagahanga. Maging si Sharon Cuneta bina-bash din.
Noong nag-post ang Megastar ng mensahe sa kanyang IG account against sa ex niyang si Gabby Concepcion, dahil hindi natuloy ang movie nila, bina-bash din siya ng mga tagahanga nila ni Gabby. At kilala ni Sharon ng personal ang mga ito, huh! Sinagot nga niya ang fans nila ni Gabby na may halong panumumbat.

About Rommel Placente

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *