Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Malabon chairman sa ‘narco-list’ laglag sa eleksiyon
Malabon chairman sa ‘narco-list’ laglag sa eleksiyon

Malabon chairman sa ‘narco-list’ laglag sa eleksiyon

NATALO sa muling pag­takbo sa pagka-ba­rangay kapitan ang isang kandidato sa Malabon City na kasama sa ‘narco-list’ ng pamaha­laan.

Napag-alaman, na­ka­kuha ang incumbent chairman ng Barangay Tinajeros na si Alvin Mañalac ng 2,151 boto, mas mababa kompara sa 3,216 boto na nakuha ng kalaban na si Ryan Geronimo.

READ MORE:  P1-B pinsala sa mais at palay (Sa Isabela)

Pumangatlo sa pag­ka-barangay kapitan si Alexander Centeno na mayroong 1,696 boto.

Naiproklama bilang barangay kapitan si Geronimo bago mag-5:00 ng umaga nitong Martes.

READ MORE:  EJKs nasa tungki ng NYT — Palasyo

Samantala, nanini­wala si Geronimo na naka­a­pekto sa mga botante ang pagkakasa­ma ni Mañalac sa narco-list ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA).

READ MORE:  Wikang Filipino sa reseta, medisina at bilang panturo sa mga bata

Agad tinanggap ni Mañalac ang pagkatalo. Sa kaniyang social media account, nagpasalamat si Mañalac sa mga tagasu­porta at binati ang bagong halal na barangay chairman.

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved