Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ian Veneracion, may issue sa Kapamilya?
Ian Veneracion, may issue sa Kapamilya?

Ian Veneracion, may issue sa Kapamilya?

PALAISIPAN sa amin kung bakit walang follow-up teleserye si Ian Veneracion pagkatapos ng serye nila ni Bea Alonzo na A Love To Last na umere noong Enero hanggang Setyembre 2017 sa ABS-CBN.

Kadalasan kasi kapag nag-click o mataas ang ratings ng isang serye ay binibigyan ng follow-up project ang lead actors, pelikula man o teleserye.

READ MORE:  Raffy Tulfo, aayudahan ang taxi driver na pinagbintangang magnanakaw ni Maegan

Sa kaso ni Ian ay wala kaming alam na upcoming projects niya maliban sa sinasabi niyang magko-concentrate muna siya sa pagkanta.

Bagama’t kumakanta naman talaga si Ian, pero hindi ito ang talagang ginagawa niya sa showbiz dahil nakilala talaga siya bilang artista at on the side na lang ang pagiging singer, painter, at sportsman.

READ MORE:  Kabi-kabilang raket sa election, sinasamantala ng ilang celebrity

Kaya nagtataka kami sa pahayag niyang lie low muna siya sa pag-arte at itong pagiging singer muna ang aatupagin niya.

READ MORE:  Ate Vi at Angel, magsasama raw sa Darna!

Pero ano itong narinig namin na babalik siya sa GMA 7? Hmm, ayaw na ni Ian sa Kapamilya Network? At kapag nangyari ito, eh, totoo nga ang mga narinig naming may isyu sila ng ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved