Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)

Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)

HINDI lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon kahapon.

Tikom ang bibig ng Palasyo kung ano ang dahilan nang hindi pagboto ni Pangulong Duterte sa barangay at SK elections sa Davao City.

Ilang minuto maka­lipas ang 3:00 ng hapon, kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hindi na boboto si Pangulong Duterte.

READ MORE:  Mister nagbigti dahil sa sinaing

“No reason,” matipid na tugon ni Go sa text message sa pag-usisa ng media sa dahilan ng no-show ni Duterte sa Cluster 889, precinct -1245-A sa Daniel Aguinaldo National High School sa Davao City.

READ MORE:  Garin, Abad haharap sa technical malversation sa Dengvaxia

Wala rin pahayag si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa isyu.

Dalawang beses inili­ban ang barangay at SK elections sa ilalim ng administrasyong Duterte, una noong Oktubre 2016 at pangalawa noong Oktubre 2017.

READ MORE:  Mag-amang Japanese arestado sa pagmaltrato sa 13 jap teenagers (Sa Samal Island)

Mula nang maluklok sa Palasyo, ilang beses sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kursunadang matuloy ang barangay elections dahil tiyak na popon­dohan ng drug money ang mga kandidatong supor­tado ng sindikato ngunit ipinaubaya niya ang pagpapasya sa Kongreso.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved