Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur
2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur

2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur

RAGAY, Camarines Sur – Binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Philippine Army nang makasagupa ang hinihi­nalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga.

READ MORE:  Ex-CJ Corona, Chavit inisyuhan ng HDO

Ayon sa ulat, sunod-sunod na putok ang nari­nig ng mga residente ng barangay nang magka­sagupa ang pinanini­walaang mga miyembro ng NPA at mga miyem­bro ng 96th Infantry Battalion ng Philippine Army.

READ MORE:  Punerarya gamit sa money-laundering ng ninja cops

Dalawang sundalo ang napatay sa insidente, kasama ang mismong team leader ng grupo.

Napag-alaman, newly activated unit ng militar sa Camarines Sur ang 96th IB. Nakatoka silang augmentation force sa malalayong lugar para sa eleksiyon.

READ MORE:  Gloria pwedeng makipaglamay at makipaglibing (9-day house arrest ibinasura)

Nagsasagawa sila ng clearing operations nang maka-enkuwentro ang NPA.

Inilunsad ng militar ang hot pursuit opera­tion, at pagkaraan ng ma­higit isang oras, muling nagkasagupa ang dala­wang grupo sa katabing barangay.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved