Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1,100 pulis nagsilbing BEIs — PNP
1,100 pulis nagsilbing BEIs — PNP

1,100 pulis nagsilbing BEIs — PNP

INIHAYAG ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, 1,100 police officers ang nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa 2018 Barangay and Sanggu­niang Kabataan (SK) elections.

Sinabi ni Albayalde, 180 police officers ang nagsilbi bilang BEIs sa Sulu; 45 sa Basilan; 177 sa Maguindanao; 400 sa Lanao del Sur; 119 sa Cotabato City; at 109 sa Cotabato provinces.

READ MORE:  Archbishops umalma kay Duterte

“Wala akong alam kung ilang polling pre­cincts ‘yun, basta ‘yung basis [ay] per province. Because remember, in all the regions, meron tayong sinanay na Comelec officers natin, 1,000 per region as contingency,” pahayag ni Albayalde.

READ MORE:  Digong suportado ng China sa war vs drugs

Ang lahat ng eryang may police officers bilang BEIs, maliban sa Cota­bato City at Cotabato province, ay nasa Auto­nomous Region in Muslim Mindanao, ang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng hot spots o watch list areas para sa election-related violence.

READ MORE:  Oxygen ‘di napalitan pasyente patay sa ospital

Ito ang unang pagka­kataon na hinayaan ang mga guro na tumanggi sa election service bunsod nang ipinatupad na Election Service Reform Act o Republic Act 10756.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved