Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kailangan ng magnanakaw at mandarambong sa gov’t para hindi sayang ang batas

Kailangan ng magnanakaw at mandarambong sa gov’t para hindi sayang ang batas

MARAMI ang napailing at napakamot sa ulo nang mapabalita na muling naitalaga si dating Manila vice mayor Fran­cisco “Isko Moreno” Domagoso sa adminis­trasyon ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sino nga ba naman ang hindi magkakasakit ng taka sa appointment ni Isko na inconsistent o hindi tumutugma sa ipinagmamalaking kampanya ng administrasyon sa pagsugpo ng katiwalian sa pamahalaan.

Kung may totohanang kampanya raw si Pres. Digong sa pagsugpo ng corruption sa pamahalaan ay paano niya naaatim na italaga sa puwesto ang tulad ni Isko na may mga kinaka­harap na kaso ng katiwalian sa Ombudsman?

Katatapos lang kasing balaan ni Pres. Digong nitong nakaraang linggo sa kanyang talumpati sa Davao ang mga tiwali sa kanyang administrasyon na umalis na lang sa puwesto at huwag nang hintayin pa na ipahiya sila.

Sagot ko naman, baka sinasadya talaga ng pangulo na magtalaga ng corrupt para magkaroon ng kabuluhan ang kanyang kampanya.

Para que pa na tatanggalin ng pangulo ang mga tiwali kung wala nang corruption sa pamahalaan, ‘di ba?

READ MORE:  Mga kayamanan dagdag sa ari-arian ng gobyerno

Kaya kailangan talaga laging may corruption sa gobyerno para may tatanggalin siya at hindi sayang ang kampanya.

Kumbaga, parang Ombudsman at Sandigan­bayan na sa sandaling malipol ang katiwalian sa pamahalaan ay mawawalan na sila ng trabaho.

Sa katunayan, gustong-gusto ng Ombudsman at Sandiganbayan na dumami talaga ang mga magnanakaw at mandarambong sa pamahalaan para may trabaho sila.

Ano pa ang kabuluhan ng batas laban sa mga walanghiya sa pamahalaan kung walang uusigin ang Ombudsman at walang lilitisin ang Sandigan­bayan?

Suma-total, alisin na lang ang mga batas na sagabal lang sa pagnanakaw at pandarambong.

At dahil ‘di naman masawata ang pagnana­kaw, malaki pa ang matitipid ng pamahalaan kung bubuwagin na lang ang intuil na Ombudsman at Sandiganbayan na walang silbi.

Gets n’yo?

***

LANDO (Bulacan) – “Ini-appoint na naman ni Pang. Duterte si Isko Moreno na Usec ng DSWD. Ano kayang hokus-pokus na naman ang gagawin ni Isko Moreno sa DSWD? Nakapagtataka, wala naman tayong eskuwelahan, unibersidad o kolehiyo para sa mga politikong corrupt. Pero tila napakarami ang nagsipagtapos sa larangan at kurso ng corruption dito sa ating bansa. Sinasamantala at ginagamit ng mga tusong politiko ang kanilang talent para pagnakawan ang mamamayan at ang kaban-yaman ng ating pamahalaan. Ginagawa na rin propesyon ng mga tuso at tiwaling politiko na magpakadalubhasa sa corruption. Ginagawang front ang kanilang panunungkulan sa barangay, munisipyo, pamahalaang bayan, departamento at mga ahensiya ng pamahalaan para makapagnakaw nang harap-harapan.” (0922343….)

READ MORE:  NAIA Press Corps bakit sinisingil ng MIAA ng P2.8-M bill sa telepono!?

***

AURELIA LIZA M. – “What in hell fire is wrong with President Duterte? Nag-a-appoint s’ya ng masasamang tao sa gobyerno.”

 

ATTN. GEN. ALBAYALDE:
BULACAN PNP PAKILUSIN
KONTRA-DROGA SA MARILAO

“PAKILAPIT naman po kay chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na pakilusin ang pulisya dito sa Northville 4, Marilao, Bulacan dahil talamak ang bentahan ng shabu, lalo sa Northville 4-A ibaba. Parang kendi kung mag-abutan. Salamat po sa pagtugon.”

***

TED N. DIMACULANGAN – “I have been directly an advertising supplier with DTI and other agencies few years back. 1st, Bago ka pumasok sa bidding, dapat legit ang mga accreditations mo. After that comes the approval of the bid and awards committee. 2nd, if ever you won the bid, including bidding cost and timeline, may contract for both parties na ilalatag. Remember that gov’t agencies does not give 50% downpayment. The supplier would request a working amount at least 20% of the total project cost. After the government hands you the partial payment, bibigyan ka rin nila ng BIR W form for you to fill up and submit to BIR. Now, upon completion, may assessment pa ‘yan sa Bids and Awards Commitee kung materials met the specifications offered by the supplier. Then, after the full payment, you will be given another BIR W form to fill out and submit as proof of na you did paid taxes sa gov’t. Malinis at ‘di ka na mamomroblema sa filing ng taxes. I have been a listener since 2009. Marami rin akong natutunan sa programa mo. Thank you Percy for being a balanced commentator for all of your listeners.”

READ MORE:  Walang pagbabago sa mga pulpolitiko

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved