Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 65-anyos lola ginahasa, pinatay ng kamag-anak
65-anyos lola ginahasa, pinatay ng kamag-anak

65-anyos lola ginahasa, pinatay ng kamag-anak

GINAHASA at pinatay ang isang 65-anyos lola ng umano’y kanyang kaanak na nagtangkang magnakaw habang nag-iisa ang biktima sa kaniyang bahay sa Zamboanga del Norte.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Adelina Balasi, 65-anyos.

Napag-alaman, natagpuang walang saplot ang bangkay ng biktima sa hindi kalayuan sa kaniyang bahay sa bayan ng Sergio Osmeña.

Hinala ng mga awtoridad, ginahasa muna bago pinatay si lola Adelina at ang suspek ay kaanak ng biktima na kinilalang si Abraham Bonbom.

Inaresto si Bonbon sa kaniyang bahay makaraan ang insidente, ayon sa ulat.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong rape at murder.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved