Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 miyembro ng pamilya arestado sa child abuse (Sa Zamboanga City)
3 miyembro ng pamilya arestado sa child abuse (Sa Zamboanga City)

3 miyembro ng pamilya arestado sa child abuse (Sa Zamboanga City)

KALABOSO ang tatlong miyembro ng isang pamilya dahil sa kasong child abuse sa Governor Camins, Zambaonga City.

Kinilala ang inarestong mga suspek nitong Miyerkoles, na si Ariel Crisostomo, 51, kaniyang misis na si Rose, 48, at kanilang anak na si Archie, 28-anyos.

READ MORE:  PCP ng MPD hinagisan ng granada (3 sugatan)

Ayon sa ulat, dumulog sa Sta. Maria Police Station 7 ang biktimang 13-anyos dalagita, kasama ang kaniyang ina upang isumbong na ikinakadena siya ng mga suspek  at noong Lunes ng gabi, 7 Mayo ay ginahasa umano siya ng anak ng mag-asawa.

READ MORE:  Pinoy kidnap gang leader dumating na sa NAIA (Naaresto sa Thailand)

Pahayag ni Ariel, may mga dokumento silang hawak sa pag-ampon sa bata. Ngunit pasaway at palagi umanong umaalis ng bahay tuwing gabi at madaling-araw na kung umuu­wi, kaya ikinadena ang biktima.

Dagdag ni Ariel, gusto na umano nilang ibalik ang bata sa totoong nanay dahil sa problemang dala sa kanilang pamilya.

READ MORE:  Martial law sa Mindanao mananatili

Nais makipag-areglo sa nanay ng biktima ang mga sus­pek, na ngayon ay nakaku­long sa Sta. Maria Police Station 7.

Samantala, itinanggi ni Archie ang akusasyong gina­hasa niya ang biktima.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved