Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hiwalayang Bea at Gerald, promo lang?
Hiwalayang Bea at Gerald, promo lang?

Hiwalayang Bea at Gerald, promo lang?

DURING the Kasal movie presscon nina Bea Alonzo, Paulo Avelino, at Derek Ramsay, alangan ang entertainment press na tanungin on-mic si Bea Alonzo tungkol sa lovelife nito.

Usap-usapan kasing hiwalay na sila ni Gerald Anderson a month ago. Hindi nag-ingay ang hiwalayan kaya ang ending, until now ay hanging pa rin ang entertainment media kung ano ang totoong sitwasyon ng dalawa.

READ MORE:  Ejay, bagong Timebassador ng UniSilver

Pero sa interview ng isang kasamahan sa entertainment world, ayon na rin sa kanyang ibinalita sa TV Patrol, mukhang cool-off ang set-up nina Bea at Gerald ngayon.

Sa interview ay walang kiyemeng inamin ni Bea na ngayon ay wala muna sila ni Gerald pero nag-uusap naman silang dalawa.

READ MORE:  Drew Barrymore, muling dumalaw sa ‘Pinas

Okey sila at walang problema.

Sa presscon, halata namang okey si Bea at blooming. Nagkaroon tuloy ng kongklusyon na maaaring promo na naman ito dahil ang kanyang pelikulang Kasal ay showing na sa May 16 ganoon din ang nalalapit na airing ng teleseryeng ginagawa ni Gerald.

READ MORE:  Aiko Melendez umaming naranasan ang lahat ng violence sa mga eksena nila ni Maja Salvador sa “Widlflower”

Well, whatever it is, excited kaming panoorin ang pelikulang Kasal dahil sasagutin na ni Bea ang ating tanong kung gaano nga ba kahalaga ang Kasal sa pelikula!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved