Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sanggol nagulungan ng truck, ulo napisak (Sa A. Bonifacio Ave.)
Sanggol nagulungan ng truck, ulo napisak (Sa A. Bonifacio Ave.)

Sanggol nagulungan ng truck, ulo napisak (Sa A. Bonifacio Ave.)

BINAWIAN ng buhay ang isang sanggol maka­raan masagasaan ng isang truck habang naglalaro sa gilid ng kalsada sa Brgy. Balingasa, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Hadsman Angilan, isang-taong gulang.

Naglalaro ang biktima sa gilid ng A. Bonifacio Avenue nang mahagip ng truck sa ulo.

READ MORE:  P11-B Pacman-Floyd mega fight tuloy na

Ayon sa tiyahin ng bata na si Sara Asan, hindi nila nakita ang pangyayari ngunit may narinig silang mistulang putok ng lobo malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Ilang saglit makaraan marinig ang parang putok ng lobo, nalaman ng pamilya ng sanggol na nasagasaan ang biktima.

READ MORE:  Miss U tiyaking ‘di prehuwisyo sa Filipino

Ayon sa pulisya, malamang na talagang tumakas ang driver ng truck ngunit may posibilidad din umanong hindi napansin ang insidente.

Lagpas isang buwan nang naninirahan ang pamilya ng biktima sa gilid ng kalsada sa A. Bonifacio Avenue.

READ MORE:  Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan

Sinabi ni Asan, galing sila ng Pampanga at pumuntang Maynila nang ma-demolish ang kanilang bahay.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng truck dahil wala rin nakakita sa plaka ng sasakyan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved