Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kristine at Ryan, nagkakagulo
Kristine at Ryan, nagkakagulo

Kristine at Ryan, nagkakagulo

SI Zaijian Jaranilla (Liksi) na ang kapalit ni Sofia Andres (Mayari) bilang isa sa mga Bagani.

Si Lakas ang dahilan kung bakit lumabas ang lakas at kapangyarihan ni Liksi dahil sinanay siya ng una sa kuweba na sinanay din siya ng amang si Agos.

Pinahirapan ni Lakas si Liksi para tuluyang mailabas ang nakatagong lakas kaya naman tuwang-tuwa ang lahat ng maging Bagani na siya kasama na ang buong pamilya nito.

READ MORE:  Kim at Xian, hanggang loveteam na nga lang ba?

Kailangan kasing makimpleto ang mga Bagani para magapi nila si Sarimaw (Ryan Eigenmann) at dahil kulang na nga sila dahil namatay na si Mayari kaya nanatiling malakas pa rin ang una.

Ang isa sa mga Bagani na si Lakam (Matteo Guidicelli) ay nagkukunwaring kakampi ni Sarimaw para makuha ang simpatiya at para malaman kung paano matatalo bagay na alam naman ng Ama nitong si Robert Sena.

READ MORE:  Joseph Marco, malakas sa Dos kaya sunod-sunod ang project?

Naghahanap pa ng isa pang Bagani si Lakas dahil inakalang patay na si Ganda (Liza Soberano) na hindi pa ipinaalam din sa kanya na buhay pa ito at nasa ibang mundo lang dahil bihag siya ni Malaya (Kristine Hermosa).

Kapag nalamang buhay si Ganda ay kompleto na ang mga Bagani na sina Lakas, Dumakulem, Liksi, at Lakam at kayang-kaya na nilang matalo si Sarimaw.

READ MORE:  Jao Mapa, saludo sa galing ni Coco Martin bilang aktor

Magkakaroon lang ng problema kapag kinampihan ni Bathala bilang kunsintidor na ama ni Sarimaw kaya sila nagkakagulo rin ng asawang si Malaya (Kristine Hermosa).

Abangan ngayong gabi ang journey ni Liksi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved