Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Korina, ginaya ang estilo ni Jessica
Korina, ginaya ang estilo ni Jessica

Korina, ginaya ang estilo ni Jessica

WHERE credibility ang sinasabing puhunan, hangga’t maaari ay hindi puwedeng mag-cross over o tumawid ang isang mamamahayag sa mundo ng entertainment.

Maliban kung sadyang hinihingi ng pagkakataon, ang mga respetadong pangalan sa larangan ng pagbabalita ay dapat manatili lang sa kanilang teritoryo. Ito ay upang hindi mabahiran ng “showbiz” ang kanilang imahe.

Wari’y isang unspoken o unwritten rule ito sa bulwagang pambalitaaan ng anumang TV network.

Kung bakit namin natalakay ito’y dahil sa sinasadyang pagsasawalang-kibo ni Korina Sanchez sa mga repeke kamakailan ni Kris Aquino. Sa halip ngang sumagot si Ateng Korina (tawag sa kanya) ay deadma lang ang maybahay ni Mar Roxas.

READ MORE:  Cristine, tsinugi bilang endorser ng isang produkto (Nag-feeling sikat pa kasi)

Imbes na patulan ni Korina ang ‘di niya pagkakaroon ng kakayahang maging ina’y nag-post na lang siya ng kanyang mga nilalarong “babies” na alagang aso pala.

Sa kasong ‘yon ay muling nagbalik sa aming alaala ang ‘di rin pagpatol noon ng multi-awarded broadcast journalist at direktang rival ni Korina na si Jessica Soho sa pang-ookray ni Vice Ganda sa concert nito sa The Big Dome.

Bagama’t marami ang naaliw sa mga biro lang naman ni Vice Ganda tungkol sa “laki” ni Jessica’y marami rin naman ang nadesmaya sa kanya. Tulad ni Korina, deadma rin si Jessica sa pangyayari. Ni paghingi ng paumanhin ni Vice Ganda ay wala ring nakuhang reaksiyon sa kanya.

READ MORE:  Ang Panday ni Richard, walang ingay

Magkaiba ang mundong ginagalawan nina Jessica at Korina sa daigdig na iniikutan nina Kis at Vice Ganda.

While ang parehong programa nina Jessica at Korina—Kapuso Mo, Jessica Soho at Rated K, respectively—ay tumatalakay sa paksa o personalidad na taga-showbiz, ‘yun lang ang konek nila sa aming mundo.

Marahil, naisip ni Korina na gayahin ang estilo si Jessica: ang huwag nang patulan si Kris mula sa showbiz. Hindi naman kasi karagdagan o kabawasan sa kanyang naitaguyod na imahe bilang mamamahayag ang pagpatol kay Kris.

In the same manner na matagal nang panahong nangyari ‘yung pamemleytaym ng Unkaboggable Star kay Jessica, ni mababaw na dent sa kanyang credibility ay walang naging epekto ‘yon sa Kapuso newshen.

READ MORE:  Showing ng pelikula nina Coco, Vice, Richard at Vic, mauuna na sa MMFF

Samantala, maugong ang tsikang nakatikim umano ng pananabon si Kris mula sa ilang may mataas na tungkulin sa ABS-CBN sa kanyang ginawa kay Korina.

Hindi kami nagtataka kung na-reprimand o tinawag ang atensiyon ni Kris lalo’t nagbabalik siya ng pagapang sa film arm nito, ang Star Cinema. Sa ginawa ni Kris, kahit ang bida man sa pelikula ay ang JoshLia tandem ay paano siya makapagpo-promote sa Rated K?

Come to think of it.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved