Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / We have to find good films — Diño
We have to find good films — Diño

We have to find good films — Diño

SA pagbubukas ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa Agosto, umaasa si Ms Liza Dino, Chairman and Chief Executive Officer ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na umabot sa P200-M ang kabuuang kita nito. Nakapagtala kasi ng P170-M sa unang taon ng 2017.

“Of course, it’s always something that we all aspire for. But at the same time, it’s all working together. We have to find good films and make sure that all our filmmakers are on board and really maximize promotions,” pahayag ni Ms Liza.

READ MORE:  Chanda Romero, ‘di pa rin kumukupas ang ganda

Nabanggit din ni FDCP Chairman na lahat ng kasaling pelikula sa PPP festival ay open sa lahat ng genre at walan limitasyon kompara sa taunang Metro Manila Film Festival.

“With us, this is a platform for exhibition. It’s really an industry event nationwide. Marami nang nagbigay ng interest  na magsa-submit sila ng films.

“It’s about time na regional films can also make genre films. Independent films can make films that are quality not just local but also global. Right now, we’re very happy na ‘yung independent producers na nagbigay ng interest ay quality ang slate ng films,” paliwanag ni Ms Liza.

READ MORE:  Teejay, lumaban sa Lip Sync Battle Indonesia!

Sa Hulyo 5 malalaman kung anong mga pelikula ang kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood simula sa Agosto 15 hanggang 21. Kasama rin sa PPP ang Sine Kabataan na pangungunahan naman ng asawa niyang si Aiza (Ice) Seguerra.

READ MORE:  2nd EDDYS choice kasado na, 14 tropeo paglalabanan

Ang mga miyembro ng selection committee ay sina Manet Dayrit, film editor; Lee Briones, cinematographer; directors Joey Reyes at Carlitos Siguion-Reyna, at actress producer na si Ms. Cherrie Gil.

Napag-alaman din namin na maraming gustong sumaling independent producers, ang katwiran nila ay mas malaki ang tsansa na kumita ang mga pelikula nila dahil walang foreign movies na ipalalabas during the Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival sa buong Metro Manila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved