Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, breathing space lang ang kailangan
Sarah, breathing space lang ang kailangan

Sarah, breathing space lang ang kailangan

LAHAT ngayon nakatuon sa nangyari kay Sarah Geronimo sa kanyang show in Las Vegas, Nevada na hindi niya natapos ang isang kanta matapos na magbulalas ng damdamin sa mga bagay na kinatatakutan niya sa kasalukuyan at wala ng lakas ng loob na harapin.

Sa mula’t mula, mabait na bata at masunurin sa mga magulang si Sarah. O sa kahit sinopaman.

Buong buhay niya hindi niya sinuway ang pangaral at paggabay ng mga magulang kahit may mga pagkakataong nagtutulak na sa kanya para magdesisyon ng taliwas sa mga turo nila.

READ MORE:  Baguhang matinee idol ayaw ng relasyon, trip lang ang pumatol

Sumikat si Sarah. Nagkaroon na rin naman ng taong magmamahal sa kanya ng tapat.

Pero ang hindi na kinakaya ni Sarah ay ang kawalang nadarama sa pag-iisa niya sa itaas. Bigla siyang naguluhan. Biglang umalog ang kanyang mundo. Hindi nga lang siguro kinaya ang mga pangyayaring nagdala na sa kanya sa kinatatayuan niya ngayon.

Dapat ng ikatuwa ni Sarah na anuman ang mangyari, ang pamilya niya eh, never na bibitiw sa kanya pati na ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng kanyang puso.

READ MORE:  Kumapit Ka Lang ni Noemi Ocio, itinanghal na Best Song sa ASOP

May mga nagsasabing mas dapat pang tibayan ni Sarah ang pagkapit niya sa Panginoon para mas lumiwanag ang kanyang isip at mas lumuwag ang kanyang puso at mas bumukas naman ang kanyang ispiritwal na relasyon sa Diyos.

Naniniwala ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Sarah na, “This, too shall pass!” She just needs to be resilient in her undertakings now.

At hindi na basta maging sunod-sunuran sa magpapatakbo ng buhay niya! She needs to break free just this once from the chains that binds her to something na she can no longer tolerate. Kaya nga sumabog na, eh!

READ MORE:  Vina, idinemanda si Cedric Lee

Change environment muna kaya siya. A long time ago, nakita na namin ito sa isang artistang nasa pedestal na. Buti na lang, mabilis mag-desisyon ang tatay niya. Inalis siya where she was and when she came back, boom! Megastar na siya! Baka naman breathing space lang ang kaikangan ni Sarah, ‘di ba? Give it to her!

HARD TALK!
Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved