Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / MNL48, pasisikatin tulad ng AKB48 sa Japan
MNL48, pasisikatin tulad ng AKB48 sa Japan

MNL48, pasisikatin tulad ng AKB48 sa Japan

HINDI na nakapagtataka kung 4,134 aspirants ang nag-audition para maging miyembro ng first generation MNL48. Ito ang isa sa pinakamalaking search para sa newest idol group sa bansa (edad 15-20) na nagsimula noong Oktubre 2017 na nilibot ang Luzon, Visayas, at Mindanao para sa Nationwide Registration at Audition Tour.

Ang Grand Registration at Audition naman ay naganap noong Disyembre 2 at 3 sa ABS-CBN compound para simulant ang nationwide tour.

Napag-alaman naming sikat na sikat ang counterpart nito sa Japan, ang AKB48. At noong January 20, iniharap at nag-perform ang Top 200 semi-finalists sa It’s Showtime at kaagad na-screen ng ABS-CBN heads and executives kasama ang HHE’s President na si Mr. Paulo Kurosawa. Pagkatapos ang screening, inihayag naman ang napiling 75 applicants.

Sa loob ng anim na lingo, ang weekly top rankers ay nag-perform live sa Its’ Showtime, at lalong naging mainit ang competition nang ang advisers, couches, at producers ng MNL48 ay ini-announce ang live elimination, na limang aspirants ang natanggal.

Noong Marso 17, Top 48 ang naglaban-laban na hinati sa anim na grupo para mag-perform sa iba’t ibang dance at songs araw-araw, mula Lunes hanggang Sabado.

Sinimulan naman noong Abril 7, ang pagbibigay ng score ng audience at comment sa bawat performance ng candidates sa It’s Showtime, ini-reveal ang pitong bagong candidates na sasali sa competition kasabay ang announcement ng Top 7 at Bottom 7 aspirants.

At noong Week 11, nabigyang pagkakataon ang mga aspirant na i-perform ang AIB48’s popular song, angAitakatta (I Wanted to Meet You), suot ang uniforms. Ang Bottom 7 at 7 challengers ang nagkaroon ng unang showdown.

Ang Top 7 na napili ay magpe-perform araw-araw sa MNL48 Theater, magkakaroon ng music recording sa ilalim ng Star Music, at sasailaim sa international training ng AKS, ang prestigious talent management ng AKB48. Sila rin ang kauna-unahang Filipino endorser ng Tokyo Girls Collection na magbubukas sa Pilipinas.

Ang Top 7 ay kinabibilangan nina Sheki (Shekinah Igarta Arzaga, 17, QC); Abby (Abelaine Saunar Trinidad, 20, Cavite); Sela (Marsela Mari Dela Cruz Guia, 18, Laguna); Tin (Christine Ann Coralde Coloso, 16, Iloilo); Zen(Zennae Abelle Inot, 16, Cebu); B(Alice Margarita Reyes De Leon, 20, QC); at Trixie (Sharlene Trixie Caceres Tano, 20, Marikina).

Ang AKB48 ay nag-umpisa sa Japan noong 2006 at may franchise na all over Asia kasama ang BNK48(Bangkok), JKT48 (Jakarta), at TPE48 (Taipei).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved