Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kiko, wasak na wasak sa pagkawala ni Lola Nena
Kiko, wasak na wasak sa pagkawala ni Lola Nena

Kiko, wasak na wasak sa pagkawala ni Lola Nena

NAKAGUGULAT na a day after na kausap namin si Kiko Estrada tungkol sa Lola niyang maysakit, the following day ay pumanaw na si Lola Nena niya.

April 26, Huwebes, sa presscon ng My Guitar Princess ng GMA ay napag-alaman namin mula kay Kiko mismo ang kalagayan ng lola niyang may malubhang karamdaman, kanser.

“Si Lola Nena was just recently diagnosed with pancreatic cancer, stage 4 advanced.

“It’s really been a tough couple of months, kasi sinabi ng mga doctor from six months to three months and last week just a month,” ang naluluha pa ring kuwento ni Kiko.

Si Lola Nena ay ina ni Cheska Diaz, asawa ni Lola Nena ang yumaong character actor na si Paquito Diaz.

Dating magkarelasyon sina Cheska at Gary Estrada at anak nga nila si Kiko.

Kuwento pa ni Kiko sa amin, “So this show has been a blessing kasi hindi ko iniisip ‘yun, kasi may trabaho ako, kasi ‘pag mag-isa ako, ayun naiiisip ko so, I’m really blessed.”

Malapit na malapit si Kiko sa Lola Nena niya dahil doon siya lumaki  kasama ang Lolo Paquito niya.

Malaki ang naitulong ng My Guitar Princess dahil kahit paano ay may distraction siya na trabaho mula sa pag-iisip sa sakit ng lola niya.

Patuloy na kuwento sa amin ni Kiko, hinahati nga niya ang oras sa taping ng My Guitar Princess at shooting ng tatlong pelikula tulad ng Walwal at My Stepmother’s Lover at siyempre ang pagdalaw sa lola niya sa ospital.

Nangingilid ang luha ni Kiko nang sabihin niya sa amin na kahit mawalan siya ng career at trabaho basta ang kapalit naman ay ang paggaling ng lola niya at paghaba pa ng buhay nito.

“Sana ‘yung success ko maibigay ko na lang ang buhay ng lola ko. I don’t really care about this pero…”

Mas mahalaga ang buhay ng lola niya kaysa showbiz career. Mahigit 70 old ang Lola Nena ni Kiko.

Patuloy pang kuwento ni Kiko, “What happened kasi kay Lolo Paquito, alam mo ‘yung hindi ka  na niya ma-recognize.

“So last time I visit him, sinayaw ko siya. Umiyak ako, umiyak siya tapos sinabi niya, kasi iyon ‘yung alok ni Lolo Paquito sa kanya, unang meet nila, niyaya niya, sinabi ni Lolo Paquito agad, ‘Papakasalan kita!

“So ako isinayaw ko siya, umiyak siya, sabi niya I don’t know why I’m crying.

“I was like, ‘Wait for me!’

“The next day she had a massive stroke in the right side of her brain so now…”

Hindi na nakakakilala ang lola ni Kiko…

“Sabi naman ng mommy ko buti na lang dumalaw ka na, ikaw ‘yung na-recognize niya, natandaan ka pa niya.’

“Kasi ngayon, alam mo ‘yung ambigat, ‘yung doctors nagbibigay lang ng numbers, ‘Ganito, ganito na lang’, ako parang, ang dali n’yong sabihin pero you know, ‘pag ikaw ang dumaan sa ganyan, mahirap.’

“Pero alam mo, sabi niya gusto na niyang umuwi, gusto na niyang umuwi, gusto na niyang mag-Bingo!

“Gustong-gusto na niyang mag-Bingo, mag-Tong-its.”

The day na kausap namin si Kiko ay dalawang linggo na sa ospital ang Lola Nena niya. Pero iyon na nga, nang sumunod na araw, April 27, Biyernes, ay sumakabilang-buhay na si Lola Nena at nitong Lunes, April 30 ay inilibing na.

Masakit man ang kanyang puso sa nangyari, life goes on para kay Kiko; tuloy ang taping niya for My Guitar Princess.

Mapapanood ang My Guitar Princess sa May 7 bago ang Eat Bulaga! Na gaganap si Kiko bilang si Justin Garcia, si Gil Cuerva bilang Elton Smith, at ang female lead na si Julie Anne San Jose bilang si Celina Raymundo.

Nasa show din sina Sheryl Cruz bilang si Adele Raymundo, Isabelle de Leon (bilang Taylor Garcia), Marika Sasaki (bilang Britney), Jazz Ocampo (bilang Katy Garcia), at Maey Bautista (bilang Yaya Dolly).

Ito ay sa direksiyon ni Nick Olanka.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved