Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kabaliwan ni Pauline, nakababaliw
Kabaliwan ni Pauline, nakababaliw

Kabaliwan ni Pauline, nakababaliw

HINDI lang sa Kambal, Karibal sila sinusundan ng kanilang fans, lumikha rin ng ingay sa social media ang naging pagganap nina Jeric Gonzales at Pauline Mendoza sa nakaraang episode ng Magpakailanman na Our Crazy Love.

Sa episode na ito kasi ay nabaliw ang karakter ni Jeric dahil na-bully sa kanyang pinagtatrabahuhan para lang may mapangtustos sa kanyang girlfriend na nabuntis na ginampanan ni Pauline.

Nakaaantig ang naging kuwento ng kanilang love story, ayon sa mga comment na nabasa namin.

Si Jeric, kuhang-kuha ang puso ng mga manonood dahil damang-dama mo ang sakit na nararamdaman niya. Habang si Pauline naman ay nakababaliw ang pagiging martir dahil nag-stay pa rin siya sa asawa niya kahit na nasiraan ng bait.

Ayon sa fans ng dalawa, bagay sila at very natural ang kanilang chemistry.

Hmm, so does this mean may bago na naman tayong loveteam?

Abangan ‘yan sa GMA!

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top