Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ice, napatunayang ‘di corrupt
Ice, napatunayang ‘di corrupt

Ice, napatunayang ‘di corrupt

WALANG puwedeng ikaso sa rating pinuno ng National Youth Commission (NYC) na si Ice Seguerra dahil napatunayan nitong malinis ang records niya sa sinasabing halagang nagastos na umabot sa P268,000.

Nakausap namin si Ice sa presscon ng ikalawang pagdiriwang ng Pista ng Pelikulang Pilipino bilang proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kahapon sa Max’s Restaurant.

Klinaro ni Ice na hindi siya nag-resign bilang pinuno ng NYC dahil sa isinasagawang imbestigasyon sa kanya ng COA, personal ang pag-alis niya sa nasabing ahensiya ng gobyerno.

“Ay no! no!, it’s not even an investigation it’s an observation since COA’s job is really to audit, mayroon silang mga nakikitang things they want to ask that’s their job. Kami naman were going to provide justification even before I resigned nagkaroon na kami ng exit conference, I even posted the picture ng letter nila (COA) na sinasabing wala kaming disallowances.

“So it’s really a surprise when it came out because sabi ko, maglalabas sila ng ganoon sana inilabas din nila ‘yung side ng National Youth Commission,” bungad paliwanag ni Ice.

READ MORE:  Magkapatid na Quark at Cristalle, absent sa Belo-Kho civil wedding

Sa tingin ni Ice ay sino ang taong nasa likod ng pagkakalat ng maling impormasyon, ”I really don’t care kung sino o ano. Siguro nasanay na rin ako sa industriya natin dito (showbiz) na maraming mga ganyan tao kahit saang industry ka, maraming ganyan.”

Natawa nga ang mang-aawit dahil sa unang pagkakataon ay nadawit ang pangalan niya sa korupsiyon sa tagal niya sa industriya, ”sabi ko nga, what? What the hell. Ang daming nagtatanong sa akin if I’m gonna sue, sabi ko, ‘mawawalan ba ako ng tulog,’ hindi naman kasi alam kong malinis ako. The whole time I’m in that agency, I did my best and we made sure na maayos lahat ang paper works at nasagot namin at na-justify,” katwiran pa ng mister ni Ms Liza Dino.

READ MORE:  May pagka-user talaga!

Sabi pa ni Ice, ”Naglabas din ang National Youth Commission ng papers kasi for the longest time ang NYC ay nagkaroon ng award for best accounting something. Maayos ang NYC kaya nga natawa kami kasi may mga ganitong isyu.”

Super pagtatanggol ni Ms Dino kay Ice dahil sa maliit na halaga ay hindi sisirain ng asawa niya ang pangalan at reputasyon dahil ang binabanggit na halagang P268,000 ay isang kanta lang.

”She’s my wife, that’s a normal reaction, I feel the same thing ‘pag (siya) din, ipagtatanggol ko rin ang asawa. At tama ang mga sinabi niya actually happy nga ako sa mga nilabas niya, there are things that we learned when we entered government, especially ‘yan. 

“Dapat maintindihan din ng mga tao na hindi lahat ganoon, ang dali kasing manira pero ang totoo maraming mababait at tapat sa gobyerno na hindi lang na-appreciate kasi hindi naman lalabas lahat ng mabuti.” 

Nabanggit pa ni Ice na mas matibay ang dibdib ng asawa niyang si Liza at very open ito, ”matapang siya, kasi ako introvert ako kaya mas bagay siya sa puwesto niya pati nga ako napapasunod niya.”

Marami ring pumupuri kay Liza bilang FDCP chairperson dahil sa rami ng projects nito at lahat ay black and white kaya sa tingin namin ay malabo siyang kasuhan ng korupsiyon.

READ MORE:  Pagpapakita ng abs ni Joseph, walang malisya

Black propaganda ito kay Ice? ”Puwede, I don’t know. I honestly do not care. Hindi naman ako kakandidato at wala na akong balak, lumabas na nga ako sa gobyerno, eh.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved