Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enchong, gagampanan ang binatang nagka-polio sa MMK 
Enchong, gagampanan ang binatang nagka-polio sa MMK 

Enchong, gagampanan ang binatang nagka-polio sa MMK 

SA Sabado, Mayo cinco, tungkol sa pag-asa ang ibabahaging kuwento ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na pagbibidahan ni Enchong Dee.

Mula sa panulat ni Joan Habana at direksiyon ni Raz dela Torre, itatampok din sa istorya sina Epi Quizon as Gregorio, Ina Raymundo as Honorata, CX Navarro as Young Ven, JB Agustin as Young Danie, Yasmyne Suarez as Mylene, Marc Aceuza as Zosimo, at Nikki Bacolod as Jennifer.

Dinapuan ng polio ang bibong batang si Ven. At ang suporta ng pamilya  ang nagpapalakas ng loob niya. Hanggang sa magka-edad si Ven, dinala siya ng kapalaran sa isang samahang nag-aalaga sa mga gaya niyang may kapansanan. Kahit naman kasi naging iskolar siya, hindi pa rin naging sapat ‘yun para matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang nabuo na kay Ven ang mga isyu sa kanyang buhay, nakilala niya ang ilang NGO na tinutulungan ang gaya niya. At sa isang sunflower farm sa Tiaong, Quezon namuhay siya kasama ang mga PWD na nabigyan ng kabuhayan bilang isang pag-asa sa kinabukasan.

With the seeds of hope, Ven and his co-employees were given a sustainable life.

Isa na namang kuwento ng buhay na magbibigay inspirasyong muli sa ating mga manonood ang tampok na episode sa longest running anthology ng Asya.

HARD TALK!
Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved