Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / SAP Bong Go ayaw tumakbo sa senado
SAP Bong Go ayaw tumakbo sa senado

SAP Bong Go ayaw tumakbo sa senado

AYAW naman palang tumakbo sa Senado ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Ang tanong: Ayaw ba talaga ni SAP Bong o dahil mababa ang showing niya sa survey kaya sinasabi niyang ayaw niya?!

Hindi naman kaya tulak ng bibig, kabig ng dibdib ‘yan, SAP Bong?!

Kunsabagay, ang obserbasyon natin, mayroon lang ilang nagmamagaling at tumotosgas sa umpisa para ibuyo si SAP Bong.

READ MORE:  Iba ang tinitingnan sa may tinititigan?! (Trato ng PNP kay David Lim Jr.,)

Siyempre kapag naibuyo nila si SAP Bong, pirmi silang didikit at tiyak pirming paldo ang mga bulsa nila.

Hindi galing kay Sap Bong ang ilalaman sa bulsa nila kundi doon sa mga kakausapin nilang maging ‘baka’ ni SAP.

READ MORE:  Bulok na serbisyo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (Attention:  DOH Sec. Janette Garin)

At dahil sila lang ang kausap… alam na!

Kaya nga sila lang ang atat na atat na tumakbo si SAP.

SAP Bong, huwag mong kalilimutan ang kasabihan: “Kung mayroon kang kagalit, itulak mong pumasok sa politika, tiyak ‘yun nakaganti ka na!”

Kaya kaiingat ka SAP Bong sa mga sulsol nang sulsol sa iyo na pumasok sa politika.

READ MORE:  Rule 119, Rules of Court, Speedy Trial Act of 1998 iniutos ng Supreme Court

Tiyak ‘yun na wala silang mabuting layunin sa iyo sa halip gusto ka nilang ibulid sa kapahamakan.

Alam na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved