Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / NPA patay, 4 arestado sa Laguna
NPA patay, 4 arestado sa Laguna

NPA patay, 4 arestado sa Laguna

LAGUNA – Isa patay habang apat umanong miyembro ng RBKU ng Cesar Batrallo Command-NPA, ang arestado makaraan makipagsagupa sa mga kagawad ng 2nd Laguna Mobile Force Company (LMFC) Regional Mobile Force Batalion (RMFB) 4A, Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, at Crisis Negotiation Team (CNT) sa ipinatupad na Comelec Checkpoint sa bahagi ng Brgy. Dambo, Pangil, lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

READ MORE:  Kaso vs MILF, BIFF depende sa BOI

Sa isinumiteng ulat ni Acting Laguna PNP Provincial Director, S/Supt. Kirby John Kraft kay PRO4A Calabarzon PNP Director, C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang napatay na rebelde na si Ismael Criste, alias Maeng, naninirahan sa Brgy. Casareal, bayan ng Pakil sa Laguna.

READ MORE:  Upak sa EJKs ni Leni wa epek sa diplomatic relations

Samantala, arestado ang apat kasamahan ni Criste na kinilalang sina Luis Etolarde Alano, Jr., residente sa Tanauan City, Batangas; Shirley de Guzman Martinez, 47, nakatira sa  San Antonio, Quezon; Felicidad de Mesa Villegas, 60, ng Balian, Pangil, at Cristy Ramos Lacuarta, 30, ng Dao, Nasunugan, Capiz, City.

READ MORE:  Rali sa anti-pork, anti-Chacha kasado ngayon

Pawang nahaharap ang mga nadakip sa kasong paglabag RA 10591 (Illegal Posession of Firearms and Ammunition) at RA 9516 (Illegal Posession of Explosive) in Relation to Comelec Gun Ban. (BOY PALATINO)

COMMENTS

About Boy Palatino

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved