Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beautederm CEO owner idol si Joel Cruz pero… Rei Anicoche-Tan walang ilusyon maging “Queen of Scents” (Endorser na si Arjo Atayde bagay na bagay sa Origin Series Perfume)
Beautederm CEO owner idol si Joel Cruz pero… Rei Anicoche-Tan walang ilusyon maging “Queen of Scents” (Endorser na si Arjo Atayde  bagay na bagay  sa Origin Series Perfume)

Beautederm CEO owner idol si Joel Cruz pero… Rei Anicoche-Tan walang ilusyon maging “Queen of Scents” (Endorser na si Arjo Atayde bagay na bagay sa Origin Series Perfume)

WELL-ATTENDED ang recent perfume line launch ng Beautederm sa Relish resto sa Tomas Morato para sa kanilang Origin Series. Ang mahusay na Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang endorser para sa tatlong scents na Alpha, Radix, at Dawn at lahat ng variants ay pasado sa pang-amoy ng mga invited entertainment media and bloggers.

Ayon sa pretty at ma-PR na CEO at owner ng Beautederm na si Ma’m Rei Ramos Anicoche-Tan, pinagkaguluhan din ng press people sa nasabing fabulous launch na hosted nila ni Kapamilya host Eric John Salut.

Si Arjo ang perfect choice nila para maging ambassador ng kanilang newline of perfume called The Origin Series dahil, “Marami kaming pinagpilian but he’s really the best to embody our brand kasi he’s clean cut, laging mabango, smart, articulate at bagay siya sa high end A&B market,” she explains.

“I also like it na galing siya from a good, closely knit family na na-meet ko na at magalang talaga ang buong pamilya nila. Bagay talaga siya sa Origin series namin kasi, as an actor, he’s a very versatile one na puwedeng bida o kontrabida, puwedeng sweet o fierce at ganoondin ang three variants ng pabango namin na versatile din.”

Nang nagawa na nila ang linya ng perfume, ayon kay Ms. Rei, na mayroong tatlong magkakaibang scents, agad nilang target market ay mga lalaki. Bawat perfume scent daw is carefully crafted at inihalo sa imported oil from France.

Siniguro rin nila na, dahil pang-lalaki nga, the scents is lightly at hindi matapang, para hindi maka-mantsa, lalo sa damit. Bagay daw talaga si Arjo dito dahil ang target market nila ay A and B.

Uy idol pala ni Ma’m Tan ang “Lord of Scents” na si Joel Cruz, pero kahit parami nang parami na ang kanilang perfume brands ay wala raw siyang ilusyon na maging Queen of Scents.

Para naman kay Arjo, naniniwala ang sikat na aktor na ang mga lalaki ay nararapat gumamit din ng pabango, hindi lang ang mga babae. Para sa kanya, kapag gumamit siya ng pabango, lalo’t pagkatapos niyang maligo, feel niya malinis na malinis at mabango siya. Sa tatlong pabango, ang “Alpha” ang choice ni Arjo na amoy na amoy ang citrusy nito at rekomendado niya sa men and women dahil unisex naman ito.

Mabibili n’yo ito sa lahat ng Beautederm shop. Bale kabilang na ngayon si Arjo sa palaki nang palaking pamilya ng Beautederm na nagsimula noong 2009 sa paggawa ng whitening soap, bleaching products, at facial care kits.

Bukod sa kanilang mga endorser na pinangungunahan ni Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Matt Evans atbp., marami na rin ang partner distri- butors nila hindi lang sa Filipinas kundi maging sa ilang bahagi ng Asia, Europe, Middle East, at North America.

Malapit na rin buksan ang first international outlet nila sa Lucky Plaza sa Singapore at ngayon pa lang ay excited na si Ma’m Tan sa nalalapit na pagbubukas nito.

Naging punong abala sa launching presscon ang entertainment editor ng pahayagang Abante na si Kapatid na Roldan Frias Castro.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved