Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, baka makalimutan na ng fans
Maine, baka makalimutan na ng fans

Maine, baka makalimutan na ng fans

MARAMI ang nagtatanong kung bakit parang wala ng kaingay-ingay si Maine Mendoza. Hindi na siya napapanood na nagge-guest man lang sa mga programa ng Kapuso.

Bakit parang wala man lang project na maririnig na gagawin ang dalaga sa Kapuso? Hindi ba dapat bigyan pansin nila ito dahil kapag nakasanayan ng mga televiwer at tagahanga na wala si Maine, malaking suwerte ang makakawala sa kanila.

Biglang umugong noon ang GMA nang uminit ang tambalang Alden Richards at Maine. Kumaway lang ang dalawa, tiyak na ang tilian ng mga tagahanga.

Ngayon nga nagrereklamo ang mga senior citizen na may kursunada sa AlDub na wala na silang naririnig sa dalawa.

Dapat mag-ingay na o gumawa ng sariling gimmik si Maine dahil kung hihinatayin niya ang pangako ng GMA baka makalimutan na siya ng fans.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved