Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, nawalan ng boses sa Las Vegas concert
Sarah, nawalan ng boses sa Las Vegas concert

Sarah, nawalan ng boses sa Las Vegas concert

MUKHANG walang pahinga si Sarah Geronimo dahil sa USA tour na This Is Me na ginanap sa Cannery Resorts & Casino North Las Vegas nitong linggo (Abril 29) ng gabi ay nawalan siya ng boses as in.

Base sa mensaheng nakarating sa amin ng mga nakapanood ay nawalan ng boses ang singer habang kumakanta na hindi binanggit sa amin kung anong kanta.

READ MORE:  Kris, nagpasaklolo kay Willie para magkaroon ng TV show

Halatang pagod na raw si Sarah ayon sa kaibigan naming nakapanood dahil medyo hinihingal na.

Hala paano na ang mga susunod na shows sa Chicago sa Mayo 4 at New York City sa Mayo 6? Kakayanin pa ba ito ni Sarah?

READ MORE:  Ian, puwedeng ipalit kay Lloydie

Base naman sa mga nakaalam sa nangyari kay Sarah ay “pagod na lola mo, sunod – sunod na kasi, umaangal na nga.” 

Biruan naman sa showbiz events, “baka matuluyan na siyang maging Miss Granny.”

Ang Miss Granny ay kasalukuyang isinu-shoot ngayon ni Sarah kasama sina James Reid at Xian Lim produced ng Viva Films  na idinidirehe ni Joyce Bernal.

READ MORE:  Jen, ‘di pa handang magmahal muli!


FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved