Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pangangaliwa ni Aktor, muntik mahuli ni misis
Pangangaliwa ni Aktor, muntik mahuli ni misis

Pangangaliwa ni Aktor, muntik mahuli ni misis

SA sobrang tinik ng radar ng isang aktres ay natunton niya ang kinaroroonan ng kanyang dyowang aktor na may kasamang ibang aktres na natsitsismis na karelasyon niya.

Nasundan lang naman ng esmi ang kanyang palikerong dyowa sa isang hotel sa Tagaytay City ayon na rin sa tip sa kanya ng isang nagmamalasakit na kaibigan.

READ MORE:  Pagsasama nina Vice at Vic sa MMFF, hinihintay

Kaso, nang humahangos na dumating daw ang misis sa hotel ay agad itinimbre ng male desk officer sa dyowa nitong aktor ang pagdating nito.

Sey ng aming source, “Naku, alisto rin pala ‘yung hotel staff. Tawag siya agad sa room ng aktor para sabihing paakyat na sa kuwarto niya ang imbiyerna niyang dyowa! I’m sure, may ‘lagay’ ‘yung aktor doon sa aligagang staff!”

Dahil naitimbre na sa aktor ang paparating na misis ay dali-dali niyang pinagbihis ang syobit niya, “At knows mo ba kung paanong nakaeskapo ang hitad? ‘Day, sa fire exit siya ng hotel dumaan! Kaya nang buksan ng aktor ang pinto ng room niya, wa siyang nahuling ebidensiya!”

Da who ang tatlong pangunahing tauhan sa kuwentong itey? Isyogo na lang natin sila sa alyas na Bonito, Leila at Geraldine.

READ MORE:  Daniel at Kathryn, nahanap na ang true love
READ MORE:  Jake, hindi apektado ng kasikatan nina Daniel at James!

(Ronnie Carrasco III)

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved