Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Good news’ ‘di aasahan ng obrero (Ngayong Mayo Uno)

‘Good news’ ‘di aasahan ng obrero (Ngayong Mayo Uno)

WALANG inaasahang ano mang sorpresang anunsiyo ang labor groups mula sa Malacañang sa Labor Day, pahayag ng lider ng militanteng grupo nitong Lunes.

“Wala kaming ina-asahan na pipirmahan niya bukas,” pahayag ni Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis.

Ang tinutukoy ni Adonis ang posibilidad na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang exe-cutive order (EO) hinggil sa kontraktruwalisasyon.

Magugunitang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque noong 16 Abril na pipirmahan ni Duterte ang EO sa Labor Day.

Makalipas ang tatlong araw, inianunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na pipirmahan ni Duterte ang EO sa kontraktuwalistasyon at sa halip ay lalagdaan bilang “urgent” ang nakabinbing Senate bill hinggil sa “security of tenure” ng mga manggagawa.

Ipinaalala ni Adonis kay Duterte na respon-sabilidad niya ang tiya-king maipatutupad ang karapatan ng mga manggagawa.

Kabilang aniya sa mga karapatang ito ay matiyak ang katatagan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagi-ging regular nila sa trabaho.

READ MORE:  Demolisyon sa ‘lumang palengke’ tinutulan ng vendors

“Kailangan lahat ng manggagawa talaga maregular, kahit iyong janitorial, kahit security guard,” aniya.

Aniya, sa nakaraang dalawang linggo, umasa silang pipirmahan ni Duterte ang EO.

Gayonman, sa hindi nabatid na dahilan, ibinasura anila ng Pangulo ang kanilang panukala laban sa kontraktuwa-lisasyon.

“Isa ito sa ipinangako niya during campaign period. Nagkaroon ng maraming series of dialogue mismo ang labor sector sa Department of Labor (and Employment) hanggang umabot kay Pangulong Duterte,” ayon kay Adonis.

“Ang problema nagulat kami dahil tuluyang tinanggihan niya at ipinasa niya sa Kongreso,” dagdag ng opisyal ng KMU.

ni ROSE NOVENARIO

10,000 COPS
ITINALAGA
SA LABOR
DAY PROTESTS

TINATAYANG 10,000 pulis ang nakatakdang ipakalat sa buong Metro Manila para bantayan ang isasagawang kilos-protesta ng mga militanteng grupo sa paggunita sa Labor Day ngayong araw, ayon kay National Capital Region Police Office chief Camilo Casco-lan.

READ MORE:  Sen. Jinggoy, 3 buwan suspendido – Sandigan

Sinabi ni Cascolan, karamihan sa mga pulis ay itatalaga sa rally areas, habang ang iba ay magsisilbing special response teams.

“More or less 10,000 personnel of NCRPO will be deployed in different districts and rally points,” ayon kay Casco-lan.

“Magkakaroon din po tayo ng tinatawag na special response teams that will be placed in strategic areas to respond to any kind of incident,” dagdag niya.

Ayon sa Metro Manila Police chief, ang mga pulis na itatalaga mula sa NCRPO Civil Disturbance Management (CDM), ay hindi magdadala ng baril kundi mga batuta lamang.

“‘Yung CDM hindi magdadala (ng firearms) ‘yan. The CDM will just be there on standby for any eventuality, kung sakaling maging magulo, na sana huwag naman ho,” ani Cascolan.

READ MORE:  Halalan 2016 payapa, matagumpay — Comelec

Tiniyak niya sa publiko na ang mga pulis na itatalaga sa rally areas ay magpapatupad ng maximum tolerance, ngunit hinikayat ang mga raliyista na isagawa ang kanilang mga aktibidad sa Labor Day sa mapayapang paraan.

“Ang reminder natin sa mga pulis ay maximum tolerance po tayo. Pangalawa, bigyan ng res-peto lahat ng raliyista. Parehas po, sana ang mga pulis ay mabigyan din ng respeto para wala tayong gulo,” pahayag ng NCRPO chief.

Inaasahan ang isasagawang kilos-protesta ng labor groups ngayong Martes, 1 Mayo, nang hindi pirmahan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang executive order na magwawakas sa kontraktuwalisasyon sa sistema ng paggawa sa bansa.

Sa Metro Manila, ina-asahang magtitipon-tipon ang mga raliyista sa Welcome Rotonda sa Quezon City, sa Plaza Moriones sa Tondo, at sa Chino Roces Bridge sa malapit sa Malacañan Palace sa Maynila.

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved