Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Globe GCash, tumatanggap na ng kontribusyon mula sa employers gamit ang PRN

Globe GCash, tumatanggap na ng kontribusyon mula sa employers gamit ang PRN

Makakapagbayad na ng kontribusyon sa Globe GCash ang mga rehistradong employers ng Social Security System (SSS) gamit ang Payment Reference Number (PRN) na bahagi ng real-time posting of contributions ng SSS.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na makikinabang ang halos isang milyong employers, kabilang ang household employers sa mobile wallet service na hatid ng Globe Telecom.

“Ito ay bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng bagong sistema ng koleksyon gamit ang PRN para sa real-time posting ng kontribusyon. Sa pakikipagsanib puwersa sa Globe, mas mabilis at mas madali nang makakapagbayad ng kontribusyon ang business at household employers gamit ang kanilang mobile phones,” sabi ni Dooc.

READ MORE:  Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship

Ang Globe GCash facility ay libreng mobile application para sa Globe o Touch Mobile prepaid users at postpaid subscribers. Para makapagbayad sa Globe GCash, gamitin lamang ng employers ang PRNs na maaari nilang kunin sa My.SSS portal sa website ng ahensya.

Kailangan muna magrehistro ang employers sa pamamagitan ng pagdownload ng GCash app o i-dial ang *143# upang makapasok sa self-service menu gamit ang kanilang Globe o TM mobile accounts.

Hihingian ang employer ng four-digit Personal Identification Number (PIN) para ituloy ang pagrerehistro. I-type ang PIN kasama ang iba pang impormasyon: para sa business employers, ang una at huling pangalan ng company representative at kumpletong address ng kumpanya; at para sa household employers, ang una at huling pangalan ng employer at kanilang address.

READ MORE:  Miracle Krystall Herbal Oil nagpaampat ng pagdurugo at ugong sa tenga pinatigil

“Madali lang magsimula sa pagbabayad ng kontribusyon gamit ang GCash. Kapag nakapagrehistro na, i-dial lamang ang *137 at sundan ang mga sumusunod: Una, piliin ang 2 para sa ‘National Government Agency’ mula sa listahan ng billers. Pagkatapos nito, piliin ang ‘SSS Employer/Household’ at pindutin ang 1 para sa contribution. I-enter ang PRN sa susunod na field at i-click ang submit,” sabi ni Dooc.

READ MORE:  PUBLIC ADVISORY: Globe mobile services suspended in Quiapo on January 9 for Black Nazarene procession (In compliance with NTC directive )

Sa bawat matagumpay na transaksyon, makakatanggap ang GCash users ng text confirmation kung saan nakasaad ang payment details, employer ID Number, at PRN.

“May mga mekanismo ang Globe GCash para ligtas ang ibinayad na kontribusyon sa SSS at wala din itong service fee,” paliwanag ni Dooc.

Para sa mga employer na may katanungan, maaari silang makipag-ugnayan sa GCash Customer Service Support Hotline sa numerong 739-2883, SSS Call Center sa 920-6446-55, o mag e-mail sa [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved