Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Suntok-kamao ni Duterte gamit na gamit ng mga tulisang politiko
Suntok-kamao ni Duterte gamit na gamit ng mga tulisang politiko

Suntok-kamao ni Duterte gamit na gamit ng mga tulisang politiko

ONCE a user always a user.

Sige ‘wag natin lahatin. Sabihin natin mga 75 percent lang ng mga politiko ang may ganyang asal. Hindi nagseserbisyo sa tao walang ginawa kundi kumabit at sumipsip sa kung sino ang nakapuwesto.

Marami nga riyan lagi pang nakabuntot.

Ngayon dahil medyo millennial na ang datingan, may bago nang estilo.

Gamitin ang suntok-kamao ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para maging bentaha nila sa kampanya.

Kung ‘yung ibang opisyal ng gobyerno, ginagaya ang ‘pagmumura’ ng Pangulo para makasindak, ang ibang politiko naman lalo na ngayong barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections at papasok ang mid-term elections, panay na ang porma ng suntok- Duterte (suntok-kamao).

READ MORE:  Baha sa Muelle del Rio sa ilalim ng Jones Bridge sino ang dapat humigop? (Paging MMDA, Paging DPWH)

Nakita naman ninyo ang mga nakasabit na tarpaulin ngayon, barangay chairman o kagawad pa lang ang inaambisyon, sandamakmak na suntok-Duterte at checkered na polo-shirt ang makikita.

Wattafak!

Sabi nga ng matatanda, ang mga gaya-gaya puto-maya walang bait sa sarili, oy! E paano ninyong iboboto ang mga ganyang klase ng tao o politiko?! Walang sariling isip!

READ MORE:  Iskorap este Erap para sa mahirap ba ‘ika n’yo? Pakiulit nga?!

Isip-isip naman ng originality, oy!

Gaya ng isang pinatalsik na gobernador sa isang lalawigan, aba ‘e panay pa ang photo-op kay Pangulong Digong.

Asap mo’y factor ‘yun para makabalik siya sa puwesto.

Hindi uto-uto ang constituents sa bayan ninyo, oy!

‘Yung iba naman, dahil mag-eeleksiyon nagmumukhang kaminero sa bawat kalye. Linis dito, linis doon. Pati mabahong pusali kinakanaw para luminis daw ang kapaligiran.

Aba ‘e lubusin na ninyo, higupin na ninyo ang mga pozo negro ng constituents ninyo!

READ MORE:  Dapat kurutin sa singit ng mga guro si VP Binay

Kaya pakiusap lang po sa mga kandidato, lalo sa barangay level, kung malinis naman ang inyong hangarin at kilala kayo ng inyong constituents, huwag na kayong gumimik.

Magpakatotoo kayo at maging seryoso sa pagseserbisyo!

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved