Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kristine, ‘di nagpakabog kay Liza
Kristine, ‘di nagpakabog kay Liza

Kristine, ‘di nagpakabog kay Liza

SINO ang mas maganda kina Kristine Hermosa at Liza Soberano?  Sino nga ba Ateng Maricris?

Nagkita na ang dalawa sa epic seryeng Bagani sa episode noong Miyerkoles ng gabi at halos iisa ang natanggap naming mga mensahe, “grabe nagkita na sina Ganda at Malaya, grabeeee ang ganda nila!”

Oo naman, ang ganda nina Liza at Kristine at maski na dalawang dekada ang agwat ng edad ng misis ni Oyo Sotto ay hindi halata dahil para lang silang magkapatid.

READ MORE:  Alex, makatagal kaya sa mga ipagagawa ni Kuya?

Kaya lang nabitin ang mga manonood dahil isang eksena lang ang nakitang magkasama ang dalawa kaya ang hilinh ng mga tagasubaybay ng Bagani ay damihan ito.

Kaya nagkita sina Ganda at Malaya ay dahil ang lugar na napuntahan ng una ay parehong lugar kung saan ikinulong ni Bathala (Raymond Bagatsing) ang ama niya.

READ MORE:  Sino nga ba ang mas sikat kina James at Nadine?

Hindi kasi pabor si Bathala na inaayunan ni Malaya ang mga masamang gawain ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Bati na sina Lakas (Enrique Gil) at Dakim (Christian Vasquez) dahil humingi na ang huli ng isa pang pagkakataon at itutuwid na nito ang lahat ng pagkakamali.

READ MORE:  Jameson at Janella, nag-deactivate sa social media

Maging si Lakam (Matteo Guidicelli) ay nagbalik loob na bilang Bagani at iniwan na ang tatay niyang si Ama (Robert Sena) na walang ginawa kundi sulsulan siya at para magapi si Lakas ay kailangang kumapi siya kay Sarimaw.

Abangan ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Channel 2.

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved