Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kasong plunder vs. Isko sa ghost employees scam nasapawan ni Roderick
Kasong plunder vs. Isko sa ghost employees scam nasapawan ni Roderick

Kasong plunder vs. Isko sa ghost employees scam nasapawan ni Roderick

MASAKLAP ang sinapit ng aktor at Quezon City councilor na si Roderick Paulate dahil sa pagbulsa ng halagang P1.109-M pondo para sa payroll ng 30 ghost employee sa kanyang opisina noong 2010.

Si Paulate at isa niyang tauhan ay kinasuhan ng Ombudsman ng kasong graft at falsification sa Sandiganbayan nitong nakaraang linggo at pansamantalang nakalaya matapos makapaglagak ng piyansa.

Malas ni Paulate dahil ‘di niya alam na kapag maliitan lang ang ninakaw na pera sa gobyerno ay tiyak na walang absuwelto sa Ombudsman at Sandiganbayan.

Katunayan, si dating Manila vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na natalong senatorial candidate noong 2016 ay kinasuhan din sa Ombudsman kaugnay ng multi-miyong raket sa ghost employees scam.

Pero ang mahigit sa P500-M plunder case ni Isko ay mahimbing na naghihilik sa opisina ni Ombudsman chief Conchita Carpio-Morales hanggang ngayon.

Noong 12 Oktubre 2012, hiniling ni Atty. Joselito P. Fangon, Assistant Ombudsman, Field Investigation II, sa City Legal Office na bigyan siya ng mga kaukulang dokumento bilang ebidensiya sa imbestigasyon ng plunder case laban kay Isko kaugnay sa multi-milyong ghost employees scam.

READ MORE:  Tapos na ang APEC (Yeheey!)

Sakaling ikaila ni Isko ang kaso laban sa kanya, maaaring madali itong mabeberipika sa Ombudsman sa ilalim ng “case number” FF-C-12-0080, FF-C-12-0081 at FF-C-12-0090, ayon kay Fangon.

Bilang tugon sa hirit ni Fangon na mabigyan ng mga papeles na makakatulong sa pagsisiyasat kay Isko ay isinumite ni Atty. Renato dela Cruz, dating City legal Officer, ang mga papeles noong 7 Disyembre 2012.

Kalakip nito ang certified copies ng 573 kontrata ng consultants/researchers ng Office of the Vice Mayor na peke ang mga notaryo pero kasama sa payroll ng opisina ni Isko.

Ibinigay din kay Fangon ang mga affidavit ng ilang nakasama ang pangalan sa payroll pero hindi naman talagang nagtrabaho sa tanggapan ni Isko.

Gaya na lamang ni Jane Ann Baltazar na nagsabing imposibleng empleyado ni Isko ang kanyang mga anak na sina Ferdinand at Fermin na ilang taon nang patay.

READ MORE:  5 patay sa Close Up Open Concert, party drug nga ba ang dahilan?

May xerox copy rin ng death certificate ni Jonathan Pantaleon na nakalista bilang consultant/researcher ni Isko ngunit namatay pala sa Sinagpore noong Dec. 21, 2008.

May affidavit din si PO1 Robert Allan Raz, Jr., ng Quezon City Police District (QCPD) na ikinaila na konektado at pinasusuweldo siya ng tanggapan ni Isko.

Tatlong dekada nang teacher sa Rizal Elementary School si Zenaida Torres kaya hindi maaaring naging kawani siya ni Isko, ayon sa kanyang affidavit.

Maging ang OFW sa New Guinea na si Ernesto Lee, empleyado sa Makati City na si Jonathan Alapide, OFW sa Saudi na si Thelma Amutan ay ilan din sa nakasama ang pangalan sa payroll ni Isko kahit walang kinalaman sa bise-alkalde.

HDO SA 7 CO-ACCUSED NI TAGUBA SA SHABU NA ‘DI PA NADARAKIP

INAPRUBAHAN ng hukuman ang pagpapalabas ng Hold Departure Order (HDO) laban sa 6 dayuhan na nasa likod ng P6.4-B shabu shipment nitong Biyernes.

READ MORE:  Voter’s receipt alibi ng Comelec sa pagpapaliban ng eleksiyon?!

Ang HDO ay inilabas ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 laban sa Chinese nationals na sina: Richard Chen; Manny Li; Kenneth Dong; at Taiwanese citizens na sina Chen I-Min, Jhu Ming Jyun at Chen Rong Huan, base sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) prosecutors na may hawak ng kaso.

Kasama sa inilabas na HDO ang isang Teejay Marcellana, may-ari ng kompanyang ginamit sa pagpuslit ng kontrabando sa Customs.

Si Marcellana at ang anim na dayuhan ay hindi pa nadarakip hanggang ngayon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman noong Enero.

Ang dapat ipaliwanag ay kung bakit hindi pa rin nadarakip ang mga damuhong principal co-accused ng tinaguriang Customs fixer na si Mark Ruben Taguba sakali man na hindi pa sila nakatatakas palabas ng bansa.

Tama po ba, DOJ Sec. Menardo Guevarra?

 

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved