Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Albularyo tiklo sa fetus at baril
Albularyo tiklo sa fetus at baril

Albularyo tiklo sa fetus at baril

RODRIGUEZ, Rizal – Isang albularyo ang nakompiskahan ng mga pulis ng bangkay ng isang 7-buwan gulang na fetus at ilang baril sa kanyang bahay sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng suspek na si Randy Picardal, 37, dahil sa mga ulat na nagtatago siya ng ilegal na baril, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Calabarzon police.

READ MORE:  Konsehal patay, mister sugatan sa tandem sa Dapitan
READ MORE:  Biik may 2 ari

Agad aniya nilang nakompiska ang isang .38 kalibreng, sumpak at sari-saring bala.

Ngunit sa gitna ng paghahalughog, tumambad ang fetus na nasa plastic bag gayondin ang dalawang sako ng adult diaper na may dugo, forceps, at halamang “Makabuhay” na ginagamit umanong pampalaglag.

READ MORE:  Mobile patrol sinuwag ng bus 4 parak sugatan

Ayon sa mga kapitbahay, marami umanong babae, ang iba ay estudyante, na nagpupunta sa bahay ng suspek.

(ED MORENO)

 

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved