Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ysabel, ‘di pa handang magladlad ng kaseksihan
Ysabel, ‘di pa handang magladlad ng kaseksihan

Ysabel, ‘di pa handang magladlad ng kaseksihan

KASAMA si Ysabel Ortega sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na pinagbibidahan ni JM de Guzman katambal si Barbie Imperial. Gumaganap siya rito bilang si Nica Marcelo, isang simple, matalino, at palabang anak nina Manang Fe (Arlene Mulach) at Mang Kiko (Eric Nicolas).

Nag-audition si Ysabel sa serye at pinalad na mapili siya.

“I auditioned for my role. This was after ‘Pusong Ligaw’ (dating serye ng ABS-CBN 2) and I was called few weeks after, ‘yun nga sinabi nila, ako ‘yung napili,” sabi ni Ysabel nang makausap namin sa presscon ng Araw Gabi.

Si Paolo Angeles ang kapareha ni Ysabel sa serye. Nakapag-taping na ang dalaga, pero wala pa silang eksena ni Paolo.

“I think this week magsisimula na po kaming mag-taping together. Ako po around five taping days pa lang po ako ngayon. Ang nakaka-eksena ko palagi eh si Barbie.”

Natutuwa si Ysabel na si Paolo ang kapareha niya sa Araw Gabi dahil kaibigan niya ang binate.

“We hang-out before. It’s nice at least alam ko na ‘yung makakasama ko sa set, mga kaibigan ko na, pati si Barbie kaibigan ko rin po.”

Kung sakaling sila na ni Paolo ang gagawing permanent love team ng ABS-CBN, okey lang ba sa kanya o may gusto siyang maging ka-loveteam?

“Siyempre po, sobrang grateful ako na kasama ko rito (Araw Gabi) si Paolo. And if mangyari nga po ‘yun na mag-click po ‘yung partnership namin, then of course po hindi po ako tatanggi. Mabait po si Paolo,napaka-gentleman po niya and magaling din po siyang aktor. So excited po ako.”

Sa Araw Gabi ay nagpa-sexy si Barbie at may kissing scene sila ni JM. Siya ba kung sakaling may offer din sa kanya na magpa-sexy since dalaga na rin naman siya, tatanggapin ba niya?

“Actually, that’s one of the reasons why I look up to Barbie, kasi she is very brave and I look up to her as an actress, kasi hindi lahat po ready and hindi po lahat willing to go through such a very big role like that. As of now po, siguro I would say I’m not in the place yet, to try out roles like that.”

In fairness kay Ysabel ay maganda siya at flawless pa, pero sa kabila nito ay wala pang nanliligaw sa kanya.

“Medyo mahirap po kasi bantay-sarado po ako ng parents ko, lalo na po si mama (Michelle Ortega na dating artista), pati na rin po ‘yung step dad (Greg Pimentel) ko, na nandiyan po for me. Isa rin po siya sa nagbabantay sa akin. Natatakot po siguro sila (suitors) sa step dad ko, kasi pulis siya,” natatawang sabi pa ni Ysabel bilang pagtatapos.

Ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi ay mapapanood na simula sa Lunes (April 30) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2. Ito ay sa direksiyon nina Theodore Boborol, Don Cuaresma, at Mylah Ajerosa ilalim ng business unit head ni Ruel Bayani.

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved