Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ABS-CBN, posibleng maagaw din ang daytime ratings
ABS-CBN, posibleng maagaw din ang daytime ratings

ABS-CBN, posibleng maagaw din ang daytime ratings

SA totoo lang, ang paniwala namin diyan sa pagpasok ng mga bagong teleserye sa afternoon slot ng ABS-CBN, naroroon ang malaking posibilidad na maagaw na rin nila pati ang daytime ratings sa telebisyon. Sa totoo lang, iyong sisimulan nilang Araw Gabi, talagang impressive ang cast.

Bukod kina JM de Guzman at Barbie Imperial na siyang mga bida sa serye, iyong kanilang support ay puro top rating leading ladies. Isipin ninyo iyong ang susuporta ay sina Ara Mina, Rita Avila, at Vina Morales. Lahat iyan sikat on their own.

READ MORE:  Mr. & Ms. Campus Face 2015 sa July 17 & 18 na!

Ang nakatawag pa ng pansin namin ay iyong theme song. Hindi na bago iyong Araw-araw Gab-gabi. Ginawa iyan ni Willy Cruz para maging theme song ng isang pelikula noong araw, at sumikat naman nang kantahin iyan ni Didith Reyes.

READ MORE:  Network gay, tinatarget ang isang poging male model

Pero iyong bagong version ng kanta, na kinanta naman ni Vina para sa teleserye, aba eh napakaganda ring lumabas niyong kanta. Siguro kung ang theme song ng kanilang teleserye ay ilalabas din commercially sa CD, magiging hit ulit ang kantang iyan. Lalo na nga at masasabayan pa ng isang hit ding teleserye.

Sa nakita namin, napakagaan ng dating ng seryeng Araw Gabi. Iyang mga ganyang klaseng kuwento sa drama ang talagang nagugustuhan ng mga tao simula pa noong araw, at naniniwala kami na ganoon pa rin naman ang gusto ng publiko sa ngayon.

READ MORE:  Mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby, may bagong kapamilya

Basta ang bet namin, magiging top rater din iyan sa pagsisimula ng serye sa Lunes ng hapon. Abangan ninyo. Aabangan din naman namin iyan.

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved