Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JM, magpapatakam sa Araw Gabi; butt, ibinalandra
JM, magpapatakam sa Araw Gabi; butt, ibinalandra

JM, magpapatakam sa Araw Gabi; butt, ibinalandra

UMAMIN si JM de Guzman sa isyung may ka-dobol siya sa mga eksenang nagpakita siya ng butt/behind pagkatapos ng Q and A presscon ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

May mga sexy scene si JM sa pagbabalik-serye niya at tinanong kung nailang siyang gawin ito.

“Opo, may mga sexy scene naman, napaghandaan naman kaya hindi naman ako nailang. Noon sa workshop po, may ilang kaya noong actual na, napaghandaan na namin ni Barbie.

“May parts na iba (behind) at may parts na ako. Kaya kami nag-body-double kasi ‘yung mga eksenang kailangang tumagal sa ilalim ng dagat, ‘yun lang din ang reason.

“At saka noong Angelito (una niyang lead role) ginawa rin po kasi nag-dive sa tubig si Angelito. Siya rin ‘yung body double namin,” pagtatapat ng aktor.

READ MORE:  Hindi ako nagkamali sa mga minahal ko — Kris 
READ MORE:  Ina ni Patricia, naiyak sa pamba-bash ng ilang AlDub fans

Nagpatakam naman si JM sa sinabi niyang, ”abangan n’yo po dahil mayroon din ako (butt exposure).”

At dahil Tisay ang leading lady niyang si Barbie Imperial ay hindi naiwasang tanungin si JM kung posibleng magkagusto siya base na rin sa pag-amin niya during the Q and A.

“Nadala lang po ako ng impulse ko na kahit sino naman ay magho-hope pero alam naman nating mayroon siyang (boyfriend) at kaibigan ko rin si Paul (Salas),” mabilis na paliwanag ni JM.

READ MORE:  Jake, kinausap si Direk Louie, para maiba ang atake bilang adik

Mapapanood na ang Araw Gabi sa Lunes, Abril 30 bilang kapalit ng Hanggang Saan sa ABS-CBN mula sa direksiyon nina Don Cuaresma, Mylah Ajero Gaite, at Theodore Boborol handog ng RSB Unit.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved