Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Filipino delegation, handa na para sa Far East Film Festival
Filipino delegation, handa na para sa Far East Film Festival

Filipino delegation, handa na para sa Far East Film Festival

SA ika-100 taong selebrasyon ng Pelikulang Filipino, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay magdadala ng isang malaking delegasyon ng mga Filipino filmmaker, artist, at member ng academe bilang ang Pilipinas ang country of focus ngayon sa Far East Film Festival na nag-umpisa kahapon at mananatili hanggang Abril 29 sa Udine, Italya.

Ang mga pelikulang kasali sa kompetisyon ay ang Si Chedeng sa Si AppleSmaller and Smaller Circles, at Ang Larawan, habang ang Ricky Lee classics naman na Himala at Moral ng namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya ay ipalalabas naman sa restored film classics feature.

Sa layuning ipakita ang ating pinagmamalaking filmmakers sa Far East Film Festival, magdadala ang FDCP ng mga piling mga filmmaker at speaker para sa Sandaan: Philippine Cinema Centennial Talks.

Kabilang sa mga magsasalita sina Mr. Ed Lajano, Direktor ng QCinemaBianca Balbuena, CEO ng EpicMedia, renowned actress na si Elizabeth Oropesa at FDCP Chairperson and CEO Liza Diño para sa Filipino Popular Cinema na pamamahalaan ni Mr. Max Tessier sa Abril 26.

Ang Film Historian at dokumentaristang si Nick Deocampo ay magsasalita tungkol sa Discovering the Past: Asian Film History – Filipino Cinema during WWIIna ipapakilala ni G. Roger Garcia, Festival Director ng Hong Kong International Film Festival sa Abril 27.

Bukod sa mga ito, ipinagmamalaki ng FDCP na ipahayag na tatlong film projects mula sa Pilipinas ang nakapasok sa 14 titles na pinili ng Focus Asia, ang Far East Film Festival Project Market na nakatuon sa genre cinema. Ang mga project in development na ito ay ipakikita sa higit sa 200 mga propesyonal na bumubuo ng mga panel, one-on-one meetings, projection, at networking opportunities.

Ang mga ito ay Belen ni Quark Henares, produced nina Bianca Balbuena at Bradley LiewEpicmedia Productions Inc., Quantum Suicide ni Mikhail Red, na produced ni Micah Tadena, Media East Productions, at Taro Imai, Harakiri Films, na co-produced ng Japan at Wilderness ni Nadira Ilana, na produce ni Nadira Ilana,Telan Bulan Films at Pamela ReyesCreate Cinema at Panuksmi Hardjowirogo, M’GO Films, isang co-production ng Malaysia, Pilipinas, at Singapore.

Sa kabilang banda, ang Filipino Producer na si Monster Jimenez ng Arkeo Films at ang kanyang project in development, Return of the Owl ni Martika Ramirez Escobar ay nakapasok sa 15 selected projects para sa ika-10 edisyon ng Ties That Bind, ang Asia-Europe co- production workshop na pagsasamahin ang Asian at European professionals sa development ng film projects. Ang mga napiling pelikula ay magkakaroon ng pagkakataong makilala ang mga producer, financier, at distributor na naroroon sa mga araw ng Focus Asia para sa potensiyal na partnership sa development ng kanilang pelikula.

Ang Far East Film Festival ay hanggang Abril 29.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved