Tuesday , September 23 2025

Taas presyo sa petrolyo muling ipatutupad

MULING nagpatupad ng dagdag presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa, epektibo ngayong araw, 24 Abril.

Pinangunahan ng Flying V, PTT Philippines, Pilipinas Shell, Total Philippines ang taas-presyo na P0.40 kada litro ng gasolina, P0.65 kada litro sa diesel, at P0.65 kada litro sa kerosene, epektibo ngayong araw, dakong 6:00 ng umaga.

Habang aasahan na magsusunuran magtaas ng presyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa kabilang ang dalawa sa tinaguriang “Big 3” na Petron Corporation at Chevron (Caltex) sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na pagtaas sa presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyohan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong nakaraang linggo, 17 Abril, ay nagpatupad ng pagtaas ng presyo ang ilang produktong petrolyo sa P0.35 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro sa diesel at P0.80 kada litro sa kerosene. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …