Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Survey says: Panalo si Kong at Sen depende sa ‘pakomisyon’
Survey says: Panalo si Kong at Sen depende sa ‘pakomisyon’

Survey says: Panalo si Kong at Sen depende sa ‘pakomisyon’

HUWAG tayong magtaka kung sunod-sunod na naman ang paglabas ng mga resulta ng survey na pakomisyon ng iba’t ibang organisasyon at institusyon.

Iisa lang ang dahilan niyan. ‘Yan ay dahil may eleksiyon!

Hindi ba ninyo napapansin para silang scion: eleksiyon, pakomisyon, organisasyon o institusyon at iba pang ‘siyon.’

Lahat sila laging lumalabas ngayon.

Sa labanan sa hanay ng mga senador, 12 ang pag-aagawang puwesto. Pero sa realidad, halos apat o anim na Senador ay hindi na magigiba sa puwesto.

‘Yung kinalalagyan nila ngayon ay parang ‘upuan’ na nakadikit na sa mga puwet nila. Kaya halos anim na ‘upuan’ na lang ang natitira sa mga tatakbo ngayon sa Senado.

READ MORE:  Dahil sa hindi matigil-tigil na iregularidad sa pagtrato sa mga detainee; Walang tigil ang ‘riot’ sa Metro Manila District Jail (MMDJ) ng BJMP-NCR sa Taguig (Attn: DILG OIC Catalino Cuy)

Ilan sa mga tatakbo riyan ay mga mahilig tumakbo pero walang panalo; mga bagong kandidato pero dahil sa name recall ay makasisilat ng puwesto; mga magbabayad ng social media manager para patampukin ang mga pangalan nila at lumikha ng mas mahusay na name recall.

At mayroon din naman na ngingiti at ka­kaway lang at hindi na magsasalita pero humahakot ng boto at ‘yan ay dahil sa mind conditioning na nililikha ng ‘survey says!’

‘Yan din ang dahilan kung bakit maraming politiko ang nagpapakomisyon tungkol eleksiyon.

Ginagamit nila ang mga datos sa isinagawang survey para sa kanilang kampanya.

READ MORE:  Madame social media

Kung mas credible at mas kilala ang survey company, malaking bentaha sa politiko ‘yun.

Gaya ng magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada. Parehong tatakbo sa senado, gitgitan sila sa survey, pareho kayang manalo?

Surveys says?!

Nariyan pa si Senator Grace Poe, Senator Cynthia Villar, kasalukuyang Taguig representative Pia Cayetano, re-electionist Senadora Nancy Binay at Senador Sonny Angara, ang anak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na si Davao City mayor Sarah Duterte-Carpio, Senate President Koko Pimentel, dating senador Sergio Osmeña, Lito Lapid at Jinggoy Estrada; broadcaster Erwin Tulfo; at dating Philippine National Police chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

READ MORE:  Mga pulis na trigger-happy salot sa anti-drug war ng Pangulo

Sa dami ng mga susungkit ng puwesto sa Senado na ‘yan, bawat isa sa kanila ay naghahangad na sabihin sa survey na sila ay patok na patok sa eleksiyon.

Kaya sa pakomisyon pa lang sa survey, totosgas na ang mga politiko, kahit magkano para makasigurado.

Pero dapat tayong matakot kapag survey says: Bokya na naman ang mga Pinoy sa 2019 midterm elections…

‘Yun ang masaklap!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved