Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sison handang bumalik sa PH para sa peace nego
Sison handang bumalik sa PH para sa peace nego

Sison handang bumalik sa PH para sa peace nego

INIHAYAG ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison nitong Lunes, handa siyang tapusin ang kanyang exile at direktang makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kung titiyakin ng Punong Ehekutibo na ang usapang pangkapayapaan ay hindi na muling masisira ng “peace spoilers.”

“Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at mapabilis ang takbo ng peace negotiations, kailangan may sufficient na pagsulong ng peace negotiations, may malakas na batayan at hindi madaling ma-upset ng peace spoilers,” pahayag ni Sison.

READ MORE:  17-anyos dalagita ‘hiniyot’ ng albularyo

“Kung uuwi ako na walang katiyakan at magandang circumstance para sa peace negotiations, baka masingitan ng peace spoilers,” dagdag ni Sison, umaakto rin bilang chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Aniya, magiging kompiyansa lamang siya sa kaligtasan kapag ang negotiating panels ng NDFP at Philippine government ay nakabuo na ng ceasefire agreement, pinagkalooban ng amnestiya at pinalaya ang political prisoners at naresolba ang dalawang mahalagang isyu sa agrarian reform at rural development, sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

READ MORE:  PNoy et al panagutin sa korupsiyon (Hirit ng youth group kay Digong)

Naniniwala siyang ang mga kasunduang ito at mga isyu ay maaaring maresolba kapwa ng peace panels sa 60-day window na itinakda ni Duterte.

Nang tanungin ang kanyang komento, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya tiyak kung may karapatan si Sison sa pagtatakda ng mga kondisyon para sa kilusang komunista.

READ MORE:  Baylosis, Tiamzons, Silva pinayagan magpiyansa

“I don’t know if he is in the position to provide conditions but the President said, ‘if peace talks will resume he’s welcome to come home.’ The President will assure his security and the fact that he will not be arrested. Beyond that, the President has not acceded to any further terms,” pahayag ni Roque.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved